Maynila, Hulyo 22, 2013 – Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay tumaas ang trust rating ng Pangulong Noynoy Aquino na lubos na ikinatuwa naman ng Malakanyang.
Ito ay patunay, ayon pa sa Malakanyang, na epektibo ang mga isinusulong na reporma at programa ng pamahalaang Aquino at dahil dito ay patuloy din ang suporta ng buong sambayanang Pilipino sa kanyang administrasyon.
Ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey ay 77% o halos walo sa bawat 10 Pinoy ang nagtitiwala kay Pangulong Aquino. Nagpapakita ang ulat na mas mataas ng limang porsyento kumpara sa 72% trust rating noong nakaraang Marso.
Samantala, limang porsyento naman ang hindi nagtitiwala sa Pangulo at 17-porsyento ang hindi makapagdesisyon.
Pinakamataas ang trust rating ng Pangulo sa Visayas at Mindanao kumpara sa Metro Manila at Luzon.
Isinagawa ang nasabing survey mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 4 kung saan 1,2000 respondents ang kinapanayam.