in

Tumaas sa 23 ang namatay dahil sa bagyong Gener – NDRRMC

Maynila – Agosto 2, 2012 – Ayon sa pinakahuling update ng National Risk Reduction and Management Council, 23 na ang bilang ng mga namatay at 21 naman ang naitalang sugatan dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Gener.

Labingdalawang libo katao pa rin ang kasalukuyang nanunuluyan sa 61 evacuation centers sa ibat-ibang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na malakas na hangin at mataas na tubig-baha.

Umabot naman sa 2,785 ang bilang ng mga bahay na nasira, 600 ang ‘totally damaged’ at 2,185 naman ang ‘partially damaged’.

Sa kasalukuyan, 29 na mga daan at tatlong tulay pa rin ang hindi madadaanan.

Samantala 500 barangays, 90 na bayan, 22 na siyudad at 27 na probinsiya ang apektado ng bagyo, ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lega at Pdl, isang Odg para suspindihin ang nalalapit na regularization

Piazza Manila, sa ikalawang taon ng pangangalaga ng PDGII