in

Unang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games, nakamit ni Hidilyn Diaz

Nakamit ng 30-anyos na weightlifter na si Hidilyn Diaz ang unang-unang gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Japan sa kasalukuyang Olympic Games. 

Sumabak ngayong araw ang tubong Zamboanga City sa wo­men’s 55-kilogram division kung saan nakuha ang unang gold medal ng Pilipinas sa kasaysayan ng Olympic Games. Tinalo ni Diaz ang 8 atleta para sa kategorya, kabilang ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China.

Halos 100 taon na mula nang lumahok ang Pilipinas sa Olympics ngunit ngayon lamang nakakuha ng ginto ang isang atletang Pinoy. 

Nasa ikaapat na sunod na Olympics appearance na si Diaz. Matatandaang iniuwi niya ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Call Center, para sa bakuna kontra Covid19 ng mga dayuhang walang codice sa Lombardia

Assegno Unico, ipapadala ng Inps simula ngayong araw