Maynila, Mayo 10, 2013 – Ang tatlong nangungunang unibersidad sa Pilipinas – University of the Philippines, Ateneo de Manila University at De La Salle University – ang napabilang sa mga listahan ng pinakamagagaling na paaralan sa buong daigdig.
Ito ay ayon sa ginawang survey ng Quacquarelli Symonds, isang research insititution. matatagpuan sa London.
Ayon sa website ng Topuniversities.com, pasok ang UP at Ateneo sa top 51-100 para sa mga subject na English language at literature.
Samantala, sa Top 151-200 naman ang UP para sa subject na Agriculture and Forestry.
Sa modern languages naman ay nasa top 151-200 ang Ateneo.
Ang QS ay nagsimula sa world university rankings by subject noong 2011, sa pamamagitan ng pagbibigay ng ranking sa world's top 200 universities sa 30 magkakahiwalay na asignatura.