in

Validity ng Philippine Passport sa 10 taon, aprubado sa Senado

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagpapalawig sa validity ng Philippine passport sa 10 taon.  

 

May 15, 2017 – Sa botong ng 18 mga senador ay lumusot na sa third and final reading ang Senate Bill No. 1365 o ang Philippine Passport Act na nagpa palawig sa validity ng regular na Philippine passport sa sampung taon mula limang taon.

“We owe a lot to our OFWs. They keep our economy afloat with their remittances of approximately $50 billion annually. Giving them a 10-year guarantee on their right to travel abroad will certainly be a great help to them,” anon kay Sen. Cynthia A. Villar, vice-chairperson of the Senate foreign relations committee.

Malaki ang magiging pakinabang ng migrant workers sa batas na magpapalawig sa sampung taon mula limang taong validity ng pasaporte na kanilang ginagamit sa pagtungo sa ibang bansa upang maghanapbuhay at maghanap ng mas magandang kinabukasan”, dagdag pa nito.

Kabilang sa mga may akda ng panukala ay sina Senators Richard Gordon, Cynthia Villar, Ralph Recto, JV Ejercito, Loren Legarda, Sonny Angara, Joel Villanueva, Grace Poe, at Alan Peter Cayetano. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang bagong voucher? Isang prepaid card na tatawaging ‘libretto familiare’

Supreme Court: Mga migrante makibagay sa values ng Western world