in

Virtual Pinay, nagtukoy sa 1,000 pedophile

Sweetie, ang pangalan ng virtual Pinay ang nagtukoy sa1,000 matatanda na handang magbayad ng pera kapalit ng sexual acts sa pamamagitan ng webcam.

Nobyembre 6, 2013 – Sa pamamagitan ng 3D digital animated ng batang babae na pinangalanang ‘Sweetie,’ isang computer-generated image ng isang 10 taong gulang na batang Pinay ang espesyal na binuo para akitin at tukuyin ang mga cyber sex customer at mga pedophile sa Internet. Mahigit 1,000 “sexual predators” mula sa buong mundo ang natukoy ng Netherland-based Terre des Hommes, isang Dutch children’s rights activist group.

Ang 1,000 matatanda ay handang magbayad ng pera kapalit ng sexual acts sa pamamagitan ng webcam.

Kasama ang Avaaz.org, isinagawa ng Terre des Hommes ang “online sting” mula sa isang tagong warehouse office sa isang industrial park sa Amsterdam para suriin ang lawak ng mabilis na lumalaking Internet phenomenon na tinatawag nilang sex tourism.

Nakakagulat ang resulta mula sa Terre des Hommes sa pamamagitan ng isang dokumentaryo ng 10-linggong imbestigasyon at sinimulan ang isang petisyon na naglalayong himukin ang pulisya at mga politiko na dagdagan ang mga pagsisikap para masugpo ang illegal sex shows.

Isang chat room para kay ‘Sweetie’ bilang isang sex prospect ang ginawa ng mga mananaliksik ng Terre des Hommes sa isang liblib na gusali sa Amsterdam. Sa napakaikling panahon, mahigit 20,000 “predators” mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpakilala sa virtual na 10- anyos na Pinay, at humihiling ng webcam sex performances.

Ang 1,000 matatanda ay nagmula sa 71 bansa tulad ng United States na mayroong 254 katao, sinusundan ng Britain na may 110 at India na may 103, ayon sa Terre des Hommes sa isang pahayag.

Samantala, hindi ipinaliwanag kung bakit batang Pinay ang kanilang napili bilang virtual cybersex victim.

Bukod dito, iniulat ng Unicef Philippines na mahigit isang milyong kabataan, ang nabibiktima ng sexual exploitation sa mundo taun-taon, dahil sa madaling pagbiyahe ng “child-sex predators into less developed countries including the Philippines,” at “made children more vulnerable to this modern form of slavery.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Classe ponte’, isang esperimento sa Bologna

Permit to stay, maaari bang i-renew kung ang employer ay hindi binayaran ang kontribusyon?