in

Visa rules ng Japan, niluwagan mula Hulyo 1

Hulyo 3, 2013 – Batay sa isang kautusan ng Tokyo ang nagluwag sa visa rules para sa ibang mga bansa sa Asya. Ito ay nagsasaad na maaari nang mag-apply ng multiple-entry visas ang mga Pilipinong gustong bumista sa Japan ng ilang araw simula sa Hulyo 1.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Friendship and Cooperation, ayon sa isang pahayag ng Japan Ministry of Foreign Affairs (MOFA) kamakailan.

"The Government of Japan has decided to begin issuance from July 1, of multiple-entry visas for short-term stay to nationals of the Republic of the Philippines (ordinary passport holders) who reside in their home country," ayon sa pahayag.

Ang mga mag-a-apply ng multiple-entry visas ay maaaring manatili sa Japan ng hanggang 15 araw. Valid ang mga visa sa loob ng tatlong taon.

Kailangan din kumpletuhin muna ng nag-a-apply ang ilang kondisyon, bagaman hindi pa ito idinidetalye ng Japan.

Isang ordinaryong Machine-Readable passport (MRP) na sang-ayon sa International Civil Aviation Organization (ICAO) standards o isang ordinaryong IC passport ang kailangan din.

"The further development of Japan-Philippines exchange is expected as a result of the issuance of multiple-entry visas, including increases in the number of tourist from the Philippines who visit Japan and the enhancement of the ease of business transactions between the two countries," ayon sa pahayag.

Ayon naman sa Philippine Department of Foreign Affairs, inaasahang darami ang bilang ng mga Pilipinong bibisita sa Japan dahil sa bagong patakaran.

Maaari na rin ang multiple-entry visas sa Vietnam at Indonesia. Samantalang exempted na sa visa ang Thailand at Malaysia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Gente di Pasqua”, inilunsad sa Roma

GREENER PASTURE