in

Visita Iglesia online, hatid ng CBCP para din sa mga OFWs

alt

MANILA – Inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pinahusay na Visita Iglesia online para sa mga deboto na hindi kayang magpunta sa mga simbahan ngayong Semana Santa dahil may kapansanan at hindi na kaya ng katawan ang bumiyahe. Kabilang din dito ang milyung milyong Pilipino sa labas ng bansa na nais ipagpatuloy ang kulturang Pilipinong nagisnan.

Ngunit nilinaw ni Msgr. Pedro Quitorio III, media director ng CBCP, ang “Visita Iglesia online” ay hindi dapat maging katwiran upang hindi magtungo sa mga simbahan ang Katoliko kung kaya rin lang naman na gawin.

Dinagsa ng mga deboto ang lumang online Visita Iglesia partikular noong Good Friday at Black Saturday na naging dahilan ng pagbagal para mabuksan o makita ang naturang website noong nakaraang taon. Kaya’t ilang pagbabago ang makikita sa bagong edisyon ng online Visita Iglesia tulad ng introductory YouTube video ni Quitorio, at ang tradisyunal na ‘Pasyon.’

Matatagpuan sa online Visita Iglesia ang pagtalakay sa pitong simbahan (Featured Churches) sa Metro Manila:

alt

– Manila Cathedral                                                                                                                                                                        

– San Agustin Church 

– Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church)

– San Lorenzo Ruiz Church (Binondo Church)

– Sta. Cruz Church

– Nuestra Señora de Remedios (Malate Church), at 

– Our Lady of Perpetual Help Shrine (Baclaran Church). 

Matutunghayan rin sa online Visita Iglesia ang catechesis, catechesis on the Holy Week, at the Seven Last Words.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFWs na nahawa ng HIV, dumadami!

‘Shaboo’ o ‘ice’, patuloy ang pag-ikot sa Italya.