in

Worldwide protest laban sa China gaganapin sa maraming bansa sa Mayo 11

Sabayang protesta laban sa China pinaghahandaan na ng mga Pinoy sa buong mundo.

altRome, May 4, 2012 – Patuloy ang panghihikyat ng grupong US Pinoys for Good Governance sa pakikiisa sa gaganaping Global Day of Action against China’s Bullying in the West Philippine Sea sa darating na Mayo 11, Biyernes.

Ito ay naglalayon ng pagkilos ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang parte ng mundo na ihayag ang galit laban sa bansang China at sapilitang pag-aangkin sa yamang pag-aari ng Pilipinas, ang Panatag o Scarborough Shoal kilala rin bilang Bajo De Masinloc.

Ang mga Pinoy sa bansang United States, Hong Kong, Canada, Australia, Thailand, South Africa, Germany at United Arab Emirates ay tumugon na ng pagsuporta sa sabayang protestang ito.

Sa Pilipinas, ang protesta ay pangungunahan ng Akbayan Party sa harapan ng Chinese Consular Office sa Gil Puyat Avenue, Makati.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Ano ang SSN o Servizio Sanitaria Nazionale?

Ikea catalogo, ang nangungunang magazine sa mundo