in

Pope Leo XIV, Tulay para sa Kapayapaan at Pagkakaisa 

La pace sia con voi tutti! Peace be with you all“. Ito ang unang binanggit ng bagong Santo Papa. 

Bukod dito, 10 beses ding binanggit ng bagong lider ng Simbahang Katolika ang salitang ‘pace o kapayapaan, sa kanyang paglabas at pagbati mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica.

Siya si Pope Leo XIV ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika, na inihalal noong Mayo 8, 2025. Bago ang kanyang eleksyon, siya ay kilala bilang Cardinal Robert Francis Prevost, isang Amerikanong ipinanganak sa Chicago at miyembro ng Orden ng mga Agustino. Siya ang kauna-unahang Papa na isinilang sa Estados Unidos. 

May edad na 69 anyos at naging misyonero at obispo sa Peru, kung saan siya ay naging mamamayang Peruvian noong 2015. Siya ay Prefekto ng Dicastério para sa mga Obispo sa Vatican mula 2023, na responsable sa pagtatalaga ng mga obispo sa buong mundo. 

Itinalaga bilang kardinal ni Papa Francisco noong Setyembre 2023. 

Aniya ang pagpili ng pangalang “Leo XIV” ay isang pagpupugay kay Papa Leo XIII na kilala sa kanyang adbokasiya para sa karapatan ng mga manggagawa at katarungang panlipunan sa encyclical na Rerum Novarum noong 1891. 

Pananaw at Adbokasiya ni Pope Leo XIV

Si Papa Leo XIV ay kilala sa kanyang moderate na pananaw, na nagsusulong ng dayalogo sa pagitan ng mga progresibo at konserbatibong sektor ng Simbahan. Sa kanyang unang talumpati mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica, binigyang-diin niya ang kapayapaanpagkakaisa, at ang pangangailangan ng Simbahan na maging malapit sa mga naghihirap. Binigyang-pugay din niya si Papa Francisco at ang kanyang mga reporma. 

Bagaman may mga naunang konserbatibong pahayag si Prevost hinggil sa mga isyung LGBTQ+ habang nasa Peru, inaasahan ng marami na ang kanyang pamumuno ay magiging bukas sa dayalogo at pagkakasundo, lalo na sa mga isyung panlipunan at pastoral. (photo credit: Vatican News)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippine Embassy sa Roma, Nanawagan sa mga Overseas Active Voters na Bumoto!