in

Protective mask, nagbabalik sa Europa at Amerika

Maliban sa mga health facilities at mga ospital, simula noong nakaraang October 31, ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask sa Italya. Ngunit ang obligadong paggamit ng mask ay nagbabalik sa ilang bahagi ng Europa at Amerika.

Basahin din:

Sa pagdating ng malamig na panahon, ay nagbabalik ang pangamba sa Covid at seasonal flu, partikular sa nalalapit na panahon ng Kapaskuhan. Dahil dito, marami pa rin ang patuloy na nagsusuot ng mask sa mga indoor places at sa mga public transportation sa Italya bilang proteksyon.

Kaugnay nito, sa ilang bansa sa Europa ay muling nagbabalik ang protective mask. Sa Spain ay muling mandatory ang mask sa pagsakay sa mga public transportation. Sa France ay hindi naman mandatory ang pagsusuot ng mask ngunit lumabas sa isang public event si President Emmanuel Macron at muling gumamit ng protective mask makalipas ang ilang buwan. Aniya, sa muling pagbabalik ng Covid, mainam umano na maging maingat dahil walang nais na ibalik ang obligadong pagsusuot ng mask. Ito ay upang mahikayat niya ang mga mamamayan na magsuot nito sa kaso ng maramihang tao.

Bukod sa Europa, ay nagbabalik din ang mask sa Amerika. Partikular sa New York ay kailangang magsuot ng mask sa mga indoor places. Sa katunayan, naglathala ng paanyaya sa pag-iingat ang Depertment of Hygien and Health. Ito ay dahil sa pagsasanib pwersa ng Covid at seasonal flu. Inaasahan din ang paglabas ng katulad na abiso sa Los Angeles dahil sa naitalang pagtaas ng mga recoveries sa mga ospital. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Bologna, nangunguna sa qualify-of-life ranking sa Italya

ricongiungimento familiare Ako Ay Pilipino

Anu-ano ang requirements para makuha ko ang aking magulang sa pamamagitan ng family reunification process?