in

QS World University Rankings 2024: Narito ang mga pasok na unibersidad ng Italya at Pilipinas 

Inilathala na ang taunang Quacquarelli Symonds World University Rankings kung saan makikita ang mga nangungunang unibersidad sa buong mundo. Ito ay ang ika-20 edisyon na nagtatampok ng 1,500 institution mula sa 104 mga bansa.

Ang bagong report ay batay sa pagsusuri ng 17.5M academic documents at opinyon ng higit sa 240,000 mga professors at employers. 

Isinaalang-alang sa bagong report ang mga Sustainability, Employment Outcome at International Research Network. 

Gayunpaman, ang ibang criteria ay binago sa taong ito. Binawasan ng mga analists ang Faculty Student Ration, mula 20% sa 10%. Binawasan din ang academic reputation mula 40% sa 30%. Samantala, itinaas naman ang Employer reputation mula 10% sa 15%. 

Nangunguna pa rin sa loob ng labindalawang taon ang Massachusetts Institute of Technology. Nananatiling ikalawa ang Unibersity of Cambridge habang umakyat naman bilang ikatlo ang Oxford Unibersity.

Narito ang Top 10 QS World Ranking: 

1. Massachusetts Institute of Technology (MIT)

2. University of Cambridge

3. University of Oxford

4. Harvard University

5. Stanford University

6. Imperial College London

7. ETH Zurich – Swiss Federal Institute of Technology 

8. National University of Singapore (NUS)

9.University College London (UCL)

10. University of California, Berkeley (UCB)

10 mga Unibersidad sa Italya, kasama sa QS World Ranking

Kaugnay nito, sa Italya ay umakyat mula ika-139 sa ika-123 ang Politecnico di Milano. Ang Sapienza ay umakyat din mula ika-171 sa ika-134. Mula ika-167 ay umakyat din sa ika-154 ang Università di Bologna. Sumond naman ang Padova at Politecnico di Torino

123. Politecnico di Milano 
134. Sapienza Università di Roma 
154. Alma Mater Studiorum – Università di Bologna 
219. Università di Padova 
252. Politecnico di Torino 
276. Università Statale di Milano 
335. Università di Napoli – Federico II 
349. Università di Pisa 
358. Università di Firenze 
364. Università di Torino

5 mga Unibersidad sa Pilipinas sa global ranking ng QS

Ang nangungunang state university, University of the Philippines ay umakyat mula ika-412 noong nakaraang taon sa ika-404

Sumunod ang Ateneo de Manila Univeristy na umakyat din sa ika-563, mula sa 651-700 bracket noong 2023.

404. University of the Philippines

563. Ateneo de Manila University

681 – 690. De La Salle University

801-850 – Univerity of Santo Tomas

1201-1400 – University of San Carlos (Cebu)

QS World University Rankings 2024: Top global universities

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Smartphones sa Toscana, makakatanggap mamayang alas dose ng tanghali ng IT-Alert SMS

Carta d’Identità, bakit ito mahalaga sa Italya?