Patuloy ang paggaling ni Pope Francis mula sa double pneumonia habang siya ay nananatili sa Gemelli Hospital sa Roma.
Sa ika-dalawampu’t limang pagkaka-ospital ni Pope Francis, ayon sa Vatican, ang kanyang kondisyon ay nananatiling stable, patuloy na bumubuti, at ang kanyang prognosis ay hindi na itinuturing na kritikal. Kinumpirma ito ng maayos na resulta ng kanyang blood analysis at iba pang medical findings pagkatapos makaranas ng dalawang matinding respiratory crisis noong nakaraang linggo.
Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagbuti at positibong pagtugon sa oxygen therapy at respiratory physiotherapy, mananatili pa rin siya sa ospital para sa tuloy-tuloy na medikal na pangangalaga at obserbasyon.
Samantala, kahit nasa ospital, patuloy na nakikibahagi si Pope Francis sa mga gawain ng Simbahan. Kabilang dito ang kanyang pagdalo sa isang spiritual retreat sa pamamagitan ng videoconference mula sa kanyang silid sa ospital.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nananalangin at sumusuporta sa kanyang mabilis na paggaling. Ayon sa Vatican, pinahahalagahan ng Santo Padre ang pagmamahal at panalangin ng buong mundo para sa kanya.