Nakatanggap na ng go signal mula sa World Health Organization ang Sinovac, ang bakuna kontra Covid19 mula China. Sa katunayan, ay binigyan ng WHO ng emergency approval ang ikalawang Chinese vaccine kontra Covid19.
Ayon sa WHO, ang Sinovac ay alinsunod sa international standard ng pagiging epektibo, ng security at sumusunod din sa mga manufacturing standards.
Pinahintulutan din ng WHO ang Sinovac na maisama sa COVAX, ang global programme sa pagbibigay ng bakuna kontra Covid19 sa mga mahihirap na bansa.
Ayon sa technical advisory group ng WHO, na nagsimula sa pagsusuri noong May 5, ay ginawa ang desisyong aprubahan ang bakuna matapos masuri ang pinakahuling clinical datas nito ukol sa pagiging ligtas at epektibo nito, pati na rin ng kumpanyang gumawa nito. Gayunpaman, ayon sa Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) ng WHO, sa ginawang review document na ang Sinovac ay epektibo mula 51% hanggang 84% sa ginawang Phase III clinical trials nito.
Ang China ay nakapag-deploy na ng daan-daang milyong dosis ng Sinopharm (ang unang Chinese made na bakuna kontra Covid19 na binigyan ng emergency approval) at Sinovac sa China at nakapag-export na din sa maraming bansa, aprtikular sa Latin America, Asia at Africa.