Nagpahayag ng pag-iingat ang World Health Organization ukol sa fourth dose ng bakuna kontra Covid19, partikular ang pagpapalawak ng pagbabakuna nito sa buong populasyon. Ito ay ayon sa lumabas na pansamantalang rekomendasyon ng WHO kasama ng grupo ng mga eksperto sa pagbabakuna (Sage).
Pabor ang ahensya sa pagbabakuna ng second booster shot sa mga high risk categories tulad ng mga health workers, over 60s at mga immunocompromised na tao. Dahil batay sa mga pag-aaral sa kasalukuyan, ay mabisa ang fourth dose. Gayunpaman, ang mga available datas sa kasalukuyan ukol sa fourth dose ng bakuna kontra Covid19 ay nagpapakita ng short term benefits para sa mga kategoryang nabanggit.
Ang mga impormasyon na available ay para lamang sa mga bakunang mRna at may limitadong datas ukol sa tagal ng proteksyon at benepisyo nito para sa populasyon na ‘healthy‘.
Dumadami ang mga katibayan ukol sa halaga ng second booster para sa ilang partikular na kategorya ng populasyon, ngunit binibigyang-diin din ng ahensya ang ilang ‘puwang’ sa mga researches. Matapos suriin ang mga datos ng 7 inilathalang pag-aaral, naniniwala ang WHO at ang mga espesyalista nito na “kailangan pa ng mga karagdagang datos upang suriin ang mga benepisyo ng second booster shot para sa iba pang kategorya ng populasyon. Kapag available na ang mga datas na ito, ay ia-update ng Sage ang mga rekomendasyon nito.”
Samantala, inirerekomenda ng ahensya sa mga bansang isinasaalang-alang ang pagbabakuna ng fourth dose na maingat na pag-aralan ang kampanya nito partikular ang mga inaasahang karagdagang proteksyong dulot nito. (PGA)