in

WHO, nagbabala ng third wave sa Europa

third wave europa Ako ay Pilipino

Nagbabala ang World Health Organizaztion o WHO sa Europa ng third wave kung hindi nito tamang mahaharap ang pandemya sa pagpasok ng taong 2021.

Ito ay ayon kay David Nabarro ng WHO sa interview ng isang swiss newspaper. Sinisisi ni Nabarro ang mga gobyerno ng Europa na hindi ginawa ang mga “kinakailangang protocol nitong nakaraang summer, matapos mapagtagumpayan ang first wave”. Aniya kung ito ay muling gagawin ng Europa ngayon ay magkakaroon pa ng third wave sa pagpasok ng bagong taon. 

Kasabay nito, pinuri naman ni Nabarro ang naging tugon sa pandemya ng mga bansa sa Asya tulad ng South Korea, na tama ang naging aksyon laban sa coronavirus. “Ang mga mamamayan ay nakiisa, naging bahagi ng tamang pag-uugali at pagtugis na nagpahirap sa sirkulasyon ng virus sa bansa. Mahigpit na pinatupad ang social distance, ang pagsusuot ng mask, ang pagi-isolate sa mga maysakit at ang pagbibigay proteksyon sa mga higit na nasa panganib”. Bukod dito, hindi nila tinanggal agad ang mga restriksyon at nanatiling mahigpit mula. Sa katunayan ayon sa WHO ay kailangang pababain muna ng mababang mababa ang bilang ng mga infected at panatilihin ito. 

Sa halip, ang Europa ay mabilis na nagtanggal ng mga paghihigpit sa pagpasok ng summer season, na naging dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga infected. “Hindi kumpleto ang naging aksyon ng Europa”, dagdag pa ni Nabarro. 

Pinuna rin ni Nabarro ang desisyon na muling buksan ang mga ski slopes na maaaring nagpataas ulit ng bilang ng mga infected at mga biktima nito. 

Sa buong mundo ay mahigit sa 58 milyon ang mga infected ng Covid19, mula sa official datas ng University of America Johns Hopkins. Ang mga namatay naman ay higit sa 1.37 milyon. Nananatiling USA ang bansang higit na tinamaan ng coronavirus. Sinundan ng India at Brazil. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Aggiornamento carta di soggiorno, paano at kailan dapat gawin?

Ano ang mga ‘aasahan’ mula chirstmas shopping hanggang Pasko at Bagong taon?