in

CENSUS 2011 PAHALAGAHAN!

altSampung taon na ang lumipas, muling tumanggap ang mga mamamayan sa Italya ng sobre na naglalaman ng questionnaire. Talatanungan na dapat sagutin ng wasto at walang kasinungalingan dahil kung hindi, malamang na magmulta hanggang 2000 euro. 

Hindi madali ang pagsagot sa nasabing questionnaire at may mga kababayan tayong nalilito at nahihiraparang sagutan ito dahil ayon sa kanila, hindi nila maintindihan ang wikang italyano. Marami silang mga tanong tungkol dito at sinisikap ko na tugunan ang kanilang mga tanong at malimit kong sinasabi na tumawag sa numero verde na makikita sa questionnaire sapagkat may mga operator na sasagot sa wikang ingles.

Ipinaaalam ko rin sa kanila na ito ay obligasyon ayon sa batas na nagbigay ng babala na dapat itong sagutan at isumite sa post office ng walang bayad. Ang hindi makatutugon s autos na ito ay magmumulta. Basahin natin ang article tungkol sa census na makikita ninyo sa website na www.akoaypilipino.eu.

Naku! Aba’y sagutin natin, sa hirap ng buhay ngayon, marami ang walang trabaho, marami na ang tinanggal sa trabaho, patuloy sa paglaki ang bilang ng ating mga pamilya. Dumating ang mga kababayan natin na pumasok sa bansang Italya ng legal at may permesso di soggiorno pero walang trabaho. E paano, nakiusap lang naman sa amo ng mga kapamilya. Ano nga naman ang magagawa nila, e dito lang naman sa Italya o sa ibang parte ng mundo may pag-asa kasi sa Pinas daw ay talagang walang trabaho at mababa pa ang sweldo. Paniwala naman ako dyan. Pero sana, maging handa tayo sa anumang ating kakaharapin. Mas maging matalino sana tayo ngayon at matutong mag-ipon at ‘wag nating hayaan at balewalain ang kasalukuyang Census o paraan ng pagsasaliksik ng ISTAT upang alamin ang bilang ng popolasyon sa bansang Italya sapagkat isang pagkakamali, butas ang bulsa mo!

Paalala lamang, huwag tayong matakot, hindi daw sila mga pulis at walang karapatan ang ISTAT na alamin ang pangalan ng mga undocumented. Mga documented o legal na dayuhan ang maaaring sumagot sa mga questionnaires. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po sa inyong mga munisipyo at tumawag sa numero verde na 800069701. (Liza Bueno – Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Day sa San Vittorino – tagumpay!

Cultural Mediator, isang propesyon “bukas” na nangangailangan ng regulasyon “ngayon”