in

CONCERNED CITIZEN DAW!

altAng balitang inaprubahan na ang “integration agreement” at hinihintay na lamang na ito ay mahayag sa gazzetta ufficiale, bigla akong napaisip na maghayag ng aking saloobin bilang patnugot ninyo sa pahayagang Ako Ay Pilipino. Pakiramdam ko, patuloy na naghihigpit ang bansang Italya. Pero kung ating susuriin sa positibong paraan, may advantage naman kasi, kung ang isang dayuhan ay maninirahan sa Italya, dapat nga naming matuto na tayo ng kanilang wika. Matutunan nating pag-aralan ang kanilang saligang batas. Ang mahigpit dito, sa mga unang araw lamang ng pagtapak mo sa bansang ito, may pipirmahan kang kasunduan at mangangako na tutuparin mo ang kanilang mga batas. Dahil kung hindi, puntos ang tatanggalin sa iyong permesso di soggiorno hanggang sa maubos ito at pabalikin ka sa bansang iyong pinaggalingan at sa kaso nating mga Pinoy, aba e di sa Pinas ang bagsak mo!

Hindi ko na iisaisahin ang nilalaman ng kasunduang ito, tiyak namang mababasa mo rin sa Ako Ay Pilipino newpaper at nakapublish na ito sa www.akoaypilipino.eu, sana maging handa na tayo at ihanda na rin natin ang mga taong nais nating papuntahin dito sa Italya, anak man, asawa, kapatid, magulang, kaibigan o kakilala. Mabuti na iyong maging handa.

Alalahanin natin, nitong mga nakaraang buwan, tulad ng nabanggit ko sa sa huli kong editorial, laman tayo ng mga local newspapers at kahit pa sabihin nating mahal naman tayo ng mga italyano at gusto nila tayo, apektado pa rin ang dignidad ng mga Pinoy.

Makipag-ugnayan sa mga pampublikong institusyon, asosasyon at mga taong may kaalaman sa batas lalo’t higit kung ito ay tungkol sa batas migrasyon. Kaya lang kabayan, ingat lamang, marami na ang nagkukunwaring may alam pero ang hindi mo alam ay ginagatasan ka na pala. May mga balitang “concerned citizen” daw sila at handang ipaglaban ang iyong karapatan, subalit ginagatasan ka na pala o ginagamit ka na pala sa personal na interest, political man o financial.

Kasi naman, tayong mga Pinoy ay parang matabang isda. Huhulihin ka dahil masarap kainin at iulam. Kaya’t kung hindi ka maingat at mabilis, huli ka at sigurado ako, tinik na lamang na lamang ang tira. Ang Pinoy pa naman, hindi ko nilalahat, kung saan may matatabang isda, pupuntahan para mapakinabangan.

Kaya’t paalala lamang, maging mapagmatyag, makialam at alamin ang iyong karapatan, maging maingat sa pagpili ng tao o grupong sasamahan. Huwag sana tayong pagamit sa mga iilang tao na naglilihis sa mga tama at konkretong impormasyon. Ipakita natin ang pagiging tunay na taong kristiyano at tunay na pagkapilipino.

Kung tunay nga tayong “concerned citizen”, ipahayag ang tama at umpisahan natin ang makiisa sapagkat kung tayo’y samasama ng may iisang layunin, tiyak ang pag-unlad natin bilang tunay na “concerned citizen”.

 

ni Liza Bueno Magsino  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay na nahuling nagnakaw sa Roma, pansamantalang pinalaya!

Bandilang Pilipino muling itinaas ng Sining Kumintang ng Batangas