in

Filipino community sa Italya, nagdadalamhati sa sinapit na trahedya ng Pilipinas

Roma – Lubos ang pagdadalamhati ng buong komunidad sa sunod-sunod na trahedyang tumama sa ating Inang bayan. Bagaman tila walang hinto, ay buong-puso at kawak-kamay ang ginagawang inisyatiba ng mga pribado, mga asosasyon, Filipino communities at mga aktibo sa larangan ng lokal na pamahalaan, sa lahat ng paraan upang makapag-bigay tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng sunod-sunod na trahedya.

Sa kabila ng patuloy na pagbibigay impormasyon ng media, pagbaha ng tulong internasyunal, patuloy na suportang moral at ispiritwal na ating natatanggap sa araw-araw, buhat sa mga employers, kamag-anak at mga kaibigan, ang tumatagal na panahon ng kawalan ng komunikasyon sa mga lalawigang nahagupit ng bagyo ay patuloy na dumudurog sa puso ng bawat kaanak at kapamilyang nasa Italya. Ang nakakagulat na mabilis na pagtaas sa bilang ng mga nasawi at biktima, ang mga nakakakilabot na mga litrato ng iniwang bagyo ay higit na naghahatid ng maraming katanungan, pangamba at takot. Bukod dito, ang naaantalang pamamahagi ng mga tulong nasyunal at internasyunal sanhi ng mga saradao pang kalsada, kawalan ng koryente at nagkalat pang mga bangkay ang unti-unti naghahatid ng gutom, uhaw, kaguluhan, pagkabalisa at marahil ang kinatatakutang pagkawala sa sarili at ang pagkamatay ng mga nakaligtas sa trahedya.

Sa kabila nito, walang makakahinto sa bayanihang Pilipino, sa makatao at maka-Diyos na pag-uugaling itinuro pa ng ating mga ninuno. Ang pagdadamayan sa oras ng pangangailangan, ang pananampalataya at pananalig sa Diyos ang tanging takbuhan ng bawat Pilipino sa pagharap ng daan-daang trahedya ng bansa at ng buong sambayanan.

Kaugnay dito, ang Filipino community sa buong Italya ay lubos ang pasasalamat sa bansang Italya sa itinalagang tulong sa mga biktima na nagkakahalaga ng 1 million euros. Gayun din sa mahigit na P3 bilyon tulong mula sa 33 bansa at sa international organization para sa milyon-milyong biktima ni super typhoon Yolanda.

Gayunpaman, sa likod ng lahat ng ito, ang pagbabalik ng normal na daloy ng buhay sa mga lalawigang ito ay magtatagalan pa sapagkat ang kakailanganin ay malawakang rebuilding and rehabilitation assistance. Ito ang higit na hamon na sinisimulang paghandaan ng mga Pilipino sa Roma. Sama-samang pinaghahandaan, kabilang ang mga kabataan, ang isang malaking pagtitipon kung saan magiging kabahagi rin ang mga kaibigang Italyano. (Abangan po ang paglalathala ng pagtitipong ito)

Samantala, sa pakikiisa ng Unicef at WFP ay maaaring makapagbigay ng 1 euro donation dito sa Italya sa pamamagitan ng text message sa 45590 mula sa Wind, 3, Tim, Postemobile, Coopvoce at Noverca. 2 euros naman sa pamamagitan ng tawag sa landline buhat sa Telecom Italia, Infostrada, Fastweb at TWT. Ang serbisyo ay hanggang Nov. 26 po lamang.

Ang Embahada ng Pilipinas, sa pamamagitan ng kanilang website ay nagbibigay ng indikasyon kung paano ipararating ang mga donasyon:

National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) 

Account name: NDRRMC Donated Funds 

Account Numbers: 0435-021927-030 (Peso Account); 0435-021927-530 (Dollar

Account); Swift Code: DBPHPHMM Account #36002016

Address: Development Bank of the Philippines (DBP), Camp Aguinaldo Branch, PVAO

Compound, Camp Aguinaldo Quezon City, Philippines 1110

Contact Person: Ms. Rufina A. Pascual, Collecting Officer NDRRMC, Office of Civil

Defense, Camp Aguinaldo, Q.C.

Contact Nos. (632) 421-1920; 911-5061 up to 65 local 116

Email: accounting@ocd.gov.ph; website: www.ndrrmc.gov.ph

Department of Social Welfare and Development (DSWD) 

Account No. 3124-0055-81

Bank branch address: Land Bank of the Philippines, Batasan, Quezon City Philippines

Contact Person: Ms. Fe Catalina Ea, Cash Division

Contact Nos. (632) 931-8101 local 226; cell phone (632) 918-628-1897

Website: www.dswd.gov.ph

Philippine Red Cross (PRC) www.redcross.org.ph; Tel. (632) 527-0000

Bank accounts for Donations

Banco De Oro

Peso: 00-453-0018647

Dollar: 10-453-0039482; Swift Code: BNORPHMM

Metrobank

Peso: 151-3-041631228

Dollar: 151-2-15100218-2; Swift Code: MBTCPHMM

Philippine National Bank

Peso: 3752 8350 0034

Dollar: 3752 8350 0042; Swift Code: PNBMPHMM

Unionbank of the Philippines

Peso: 1015 4000 0201

Dollar: 131540000090; Swift Code: UBPHPHMM

(PG)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippines typhoon Haiyan – a million euro in aid from Italy

Tulong internasyunal, umabot na sa P 3 bilyon