in

Mabilisang proseso ng mga permit to stay at karapatang bumoto sa susunod na halalang lokal

Ang bagong batas ay puwersahang pagbabayarin ang mga dayuhan, ngunit bakit hindi respetuhin ang mga patakaran na nagsasabing ang mga permit to stay ay dapat na handa na, sa loob lamang ng dalawampung araw? Samantala, ang prinsipyo ng “no taxation without representation” para sa 5 milyong taxpayers, maaari ba?

Rome – Ang bagong buwis sa mga ‘permit to stay’ ay isang handog na naantala ng dating ministro Maroni at ni Tremonti sa mga migrante. Ngunit hindi magiging kapani-paniwala na ito ay tatanggihan ni Tremonti na abalang-abala habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang public fund ng bansa.

altLimang milyong legal na migrante na kailangang magbayad mula 80 hanngang 200 euros upang manatili sa Italya ay tila isang inahin na may gintong itlog o baka na walang katapusang gagatasan ng mga Italyano, pobreng biktima ng mga pamamaraan ng gobyerno sa anti-crisis at karagdagang pagagapangin sa hirap ng bagong buwis na ito. Ngunit para sa iba ay tila “tamang harapin ng mga migrante ang higit na sakripisyo”.

Maaaring tila kinalilimutan ng mga Italyano na ang mga migrante ay humaharap at haharapin pa ang mga pagtitiis para sa bansang Italya.  Ngunit sino at ilan sa mga Italyano ang makakaalam ng higit na pagtitiis na ito sa bagong buwis ng mga permit to stay?

Ilang taon lamang ang nakakalipas, kinakailangan ang isang taon at kalahati upang matanggap ang renewal ng mga permit to stay, ngunit dapat ipaalala na hanggang ngayon, kahit na sa tulong ng pinaka-makabagong pamamaraang sinubukan at inilunsad ng Ministero dell’Interno na nag-gagarantiya ng mabilisang renewal ng mga permit to stay, kinakailangan pa rin ang halos 45 araw ang proseso ng renewal.

At itong 45 days na ito na proseso, ay tila isa pa ring problema. Para kay Pedro, na naninirahan sa Rome, na nangangailangan ng 10 buwan upang ma-renew ang kanyang permit to stay, maaaring si Juan na naninirahan sa Trento ay walang pakialam dahil 30 araw lamang upang ma-renew ang kanyang permit to stay.

Isang biro o joke na lamang, dahil ipinanganak tayo sa isang mahirap na bansa kaya nangibang-bayan pagkatapos ay nagkamali pa ng bansang pinuntahan, isa bang kamalasan?

Higit sa lahat, ay hindi katanggap-tanggap na dapat sa batas ay pantay-pantay ang lahat, ngunit bakit mayroong mga batas na “mas pantay-pantay” kaysa sa iba. Bakit magmula Enero 30 ay sapilitang bubutasin ang bulsa ng mga dayuhan at bakit sa isang batas noong 1998 ay nagsasaad na sa loob lamang ng 20 araw ay ipagkakaloob na ang renewed permit to stay (at hindi 45!). At madalang pa sa pagpatak ng ulan ang makakita ng dayuhang 20 araw lamang ay nai-renew na ang nasabing dokumento!

Mula Enero 30, higit sa lahat ay dapat ipagkaloob din ng gobyerno ang sinasaad ng mga batas nito at abutin ang layuning iyon. Kung hindi man, kapag si Pedro ay nagbayad ng € 100 sa renewal at makuha ang kanyang permit to stay matapos ang sampung buwan, ano ang dapat nyang gawin? Humingi ng refund ng perang ibinayad na para sa isang serbisyo na hindi naman pala garantisado? Ano ang mga panghahawakan ni Pedro? Asosasyon ng mga Consumer ay hindi sapat na mag-protesta!

Mayroon ding 6 na bilyong Irpef  na binabayaran sa bawat taon at magkakaroon ng mga bagong buwis na makakaapekto sa lahat kabilang ang mga migrante, tulad ng buwis sa real estate sa sariling bansa n naipundar bunga ng mga sakripisyo dito sa bansang Italya. Ngayon ay dumating pa ang buwis para sa permit to stay. Habang tumataas at dumadami ang mga buwis para sa mga dayuhan sa Italya, pagkatapos ng lahat ng ito, bagong direksiyon na hindi barya barya ang usapan….

Katawa-tawang isiping bumabalik ang lumang kasabihan: “no taxation without representation”,  isa sa mga naging slogan ng American Revolutuion. Kung sisingilin ako sa buwis ng gobyerno, ako ay itinuturing na demokratiko, dapat akong bigyan ng pagkakataong piliin ang mangangasiwa ng ibinayad kong buwis.

altIsang tabi muna natin ang pampulitikang boto. Maraming hahadlang dahil hindi maaaring magbigay ng pagkakataong mahalal o maging miyembro ng Parlamento sa mga hindi mamamayang Italyano at magbigay ng mahahalagang desisyon sa mga sensitibong isyu tulad ng sekularismo, pamilya, o ng patakarang internasyunal. Subalit ang bumoto at mahalal sa lokal na halalan ay tiyak na ibang usapan.

Ang alkalde, na nagtatalaga sa mga tuition fees ng mga nursery school, ang assessor na nagsasa-ayos ng mga pampublikong sasakyan o ang mga konsehal na gumagawa ng mga panukala ng isang regulasyon sa bonus bebè, ay dapat na humanap ng pagiging lehitimo ng kanilang mga pagkilos maging sa boto man ng mga kapwa migrante na pinopondohan ang kanilang mga pagkilos at desisyon, halos ka-balat nila ang mga migranteng ito, ngunit hindi maaaring maging bahagi sa anumang paraan. Napakadali, ngunit maling-mali, ang patuloy na maging sunud-sunuran bilang  taxpayers ngunti hindi bahagi sa susunod na halalan.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang pagbati ng Masaganang Bagong Taon mula kay Konsehal Mulong

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat… akoaypilipino.eu