in

Mga panloloko ukol sa regularization, online na rin

"Katibayan ng pananatili sa bansa at isang employer? Ibibigay namin sa inyo, kapalit ng isang halaga. Patuloy na duma dami maging online ang mga huwad at imposibleng pangako, tulad ng sanatoria2012.com. Huwag paniwalaan ang mga ito.

Roma – Setyembre 10, 2012 – Para sa mga manloloko na simula na ring kumilos para sa regularization, ang web ay isang matabang lupa upang pagkakakitaan: maraming mga potensyal na customer ang maaabot nang walang hirap at nagbibigay ng mahigpit na privacy. Sa mga home page ng mga anunsyo, forum at mga social networks ay naglipana ang iba’t ibang uri ng paglulunsad ng maraming uri ng patibong mula sa klasikong pamamaraan: Kailangan mo ng tulong para sa sanatoria? Tawagan lamang kami”.

 “Maaari ka naming tulungan”

Gayunpaman, mayroong higit na nilalantad ang mga panlilinlang, sa pamamagitan ng mga website na maaabot ang lahat kung saan ipinapangako ang mga imposible kapalit ang isang halaga. Tulad ng www.sanatoria2012.com na aming pinapayuhan ang lahat na huwag paniwalaan, at inaasahang ang procura o ang web police ay matuklasan kung sino man ang nasa likod ng website na nabanggit. Napag-alaman lamang na rehistrado ang website bilang pribado at isang server ng US.

Sa home page nito ay nasasaad: “Ang iyong employer ay hindi ka tutulungan sa nalalapit na Sanatoria? Wala kang patunay ng mga dokumento ng pananatili sa Italya mula Dec 2011? Wala kang mga requirements para sa Sanatoria?” Isang munting pag-asa sa mga kundisyong halos wala ng natitirang pag-asa pa. Sa halip sa isang kisap mata: “Kung ang inyong kasagutan sa mga nabanggit na katanungan ay OO, ay maaari ka naming tulungan. Bisitahin ang website at humiling ng isang contact person, tiyak na mayroon kaming pinakamahusay na solusyon na angkop para sa iyong pangangailangan. "

Dalawang linya bandang ibaba ng homepage, ang mga promoters ay nililinaw na hindi sila mga boluntaryo: “Ito ay isang serbisyong binabayaran”, paalala pa ng mga ito at sinabing walang exempted sa kanilang kundisyon maging sa mga tuntunin ng pagbabayad." At kung anu-ano ang kanilang iniaalok at sa anong halaga, ang website ay malinaw na binanggit ang ilang mga halimbawa, mga detalye at ang katumbas na halaga ng serbisyo.

Pangako, katumbas ng ginto

Upang malampasan ang mga pangunahing hadlang ng Sanatoria, ang sanatoria2012.com, ay handa sa mga katibayang hinihingi sa pananatili sa Italya. Nangangako ng mga original proof na kinakailangan, at mapapatunayan“ kung ang kliyente ay magbabayad lamang mula 800 euros hanggang 1500 euros na maaaring gawin sa “oras ng pagpili ng kailangang serbisyo”. Ang ‘himalang papel’ ay ipapadala diumano sa pamamagitan ng koreo sa address ng isang kaibigan o kakilala para sa security reason ng dokumento.

Pagkatapos, ay ang lahat ng mga klasikong paraan ng scam para sa regularization, “isang qualified employer, handang mag regular ng worker”, sa halagang 850 euros (dahil diumano sa mga buwis ng sanatoria, paliwanag pa sa web). Sa ganitong sitwasyon, sa panahon ng pagtanggap sa serbisyo ay umaatikabong “1,000 euros + ang kalahati ng honorarium”, at ang kapupunan ay ibibigay naman  bago pirmahan ang contratto di osggiorno.

Paano ito babayaran? Sa pamamagitan ng money transfer, na may kaunting ‘retoke’ lamang upang maiwasan ang money laundering at ipinapayo ng mga dalubhasa na hatiin ang halaga hanggang sa 900,00 bawat padala. Para din sa security reason ay kanilang ipadadala pauna-una ang mga pangalan sa kliyente sa pammaagitan ng sms o text message, at dahil ditto ang kliyente ay dapat magbigay ng wasto at balidong numero.

Kung ang isang imigrante ay walang katibayan ng presensya sa Italya simula Dec 2011, na maitutuirng na mahigpit na personal ang mga katibayan ( stamp sa pasaporte, ang order of expulsion o anumang dokumento buhat sa tanggapang publiko) paano nila ito magagawa at maipapadala ang mga ito? Tunay na interesado ang kanilang mga modus operandi. At ang employer ? Isang lantarang iligal na serbisyo, dahil ang worker ay dapat na nagsimulang magtrabho ng irregular on or before May 9, 2011, at dahil dito ang sinumang nasa likod ng sanatoria2012.com at tila maraming bayarang magpapanggap bilang mga employer.  

Mga manloloko

Ang sinumang babayaran ang regularization, ay aming pina-aalalahanan, na gumagawa ng isang krimen. Para sa batas ay hindi isang biktima ngunit isang salarin. Dahil sa naging kaganapan sa huling Sanatoria noong 2009, aming masasabi na ang sinumang dumadaan sa shortcuts tulad ng ibinibigay ng sanatoria2012.com ay hindi kaylanman magkakaroon ng isang balidong dokumento at lalong higit ng isang totoong employer.

Samantala, ang awtoridad ay magkakaroon ng mga dapat bantayan dahil napakarami ng mga manlilinlang sa palii hanggang sa napakalayong dako ng web at ang pagtatanggal sa mga website tulad ng www.sanatoria2012.com ay isang magandang simula. (EP/PG)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagbabayad ng 1,000 euros, sinimulan na

Tatlong Pinoy, inaresto sa Turin dahil sa shaboo