in

Overseas Filipino Workers – Mga Bagong Bayani ng Pilipinas

Sa ano mang petsa natin ginugunita ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas, nararapat din naman nating gunitain ang mga bayaning Pilipino na nakipaglaban at ang ilan ay nagbuwis pa ng buhay sa pakikipaglaban upang tuluyan na makamit ng Pilipinas ang isang ganap na kalayaan.  Sa makabagong panahon ngayon, tayong mga Pilipinong nagta-trabaho sa ibang bansa ang itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa. 

altHindi maiwasan na maantig ang puso ng mga Pilipino sa katotohanang ito.  Karamihan sa mga migranteng Pilipino na nilisan ang Pilipinas at nagdesisyon na nangibang bayan ay sa kadahilanang ang desisyong ito ay kinakailangang gawin, at hindi dahil ang desisyong ito ay kagustuhan nilang gawin.  Mga Pilipinong nagtitiis at nagsa-sakripisyo na mangamuan sa ibang bansa at mapalayo sa mga mahal sa buhay alang-alang sa layunin na makapagbigay ng magandang kinabukasan ang pamilya. Mga Overseas Filipino Workers (OFWs) – mga tinaguriang “MGA BAGONG BAYANI” – mga Pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang ekonomiya ng sariling bansa.  Mga Pilipinong patuloy na umaasa na makaahon ang Pilipinas sa kahirapan na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang pinapangarap at inaasam-asam na kaunlaran.  Mga Pilpinong kinikilala at ikinararangal ng ating pamahalaan bilang (hindi man opisyal na inihahayag) pinakamainam na produktong pang-export ng bansa.  Mga Pilipinong nagiging sandigan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nakatayo ang Pilipinas at patuloy na nakikibaka upang makamtan ang inaasam-asam na kaunlaran. Mga Pilipinong nakakapag-remit ng bilyun-bilyong dolyar na nakakatulong para mapanatiling maayos ang ekonomiya ng Pilipinas kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang mga pamilya, pagkakawasak ng ibang tahanan, diskriminasyon, kalupitan at karahasan sa ilan, o kaya naman ay pagkakakaroon ng miserableng pamumuhay sa pakikibaka at  paninilbihan sa lupang banyaga.  Inaasam-asam din ng lahat ng mga Pilipino na sana naman ay makamtan na ng Pilipinas ang isa pang kalayaan – kalayaan mula sa kahirapan.  g Pilipino

Higit sa lahat, huwag nating kalilimutan ang maituturing natin na mga tunay na bayani ng ating bansa – tayong mga Pilipino, saan mang panig ng Pilipinas o saan mang panig ng mundo tayo naroroon, basta alam mong ikaw ay isang Pilipino at nakikipaglaban ka hindi para sa mga dayuhan kundi para sa mga kababayan nating mga Pilipino, IKAW, SILA, TAYO na nangingibang bansa, TAYO na bumubuo ng sangkapilipinuhan ay maaari ding tawaging mga tunay na bayani.  Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo!

Taas noo kahit kanino,  ang PILIPINO AY AKO! (ni Rogel Esguerra Cabigting)

 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Azkals, babawi sa second leg!

FILIPINO NURSES ASSOCIATION TEAM INUWI ANG TROPEO NG GENOVA SPRING BASKETBALL LEAGUE