in

Pope Benedict XVI, ang Papa ng mga migrante

Santo Padre, "Ang karapatan ng isang tao upang mangibang-bansa ay kinikilala bilang isang pangunahing karapatang pantao." Ang mga Kristiyano ay dapat na maging "mapagbigay, bukas-palad sa pagtanggap at matulungin", at huwag kalimutan na "maging si Hesus ay naging isang refugee rin".

Roma – Pebrero 25, 2013 –  "Ang sinumang umaalis sa sariling bansa ay naghahangad ng isang mas magandang kinabukasan, ito ay dahil na rin sa pananampalataya sa Diyos na gumagabay sa mga hangarin ng tao, tulad ni Abraham. Gayun din ang mga migrante, bilang tagapagtaguyod ng pananampalataya at pag-asa".

Mga salitang narinig sa St. Peter’s Basilica buhat kay Pope Benedict XVI kalagitnaan ng Enero, ilang linggo bago ang kanyang pagbibitiw bilang Ama ng Simbahang Katolika  na nakagitla sa buong mundo. Maging sa kanyang homiliya ukol sa Ebanghelyo sa pagdiriwang ng Araw ng Pasko, ay binigyang diin ng Papa ang “mahalagang pangaral ukol sa ating mga pananaw sa mga refugees, mga asylum-seekers,  mga migrante, habang “pinupuno ang ating mga sarili at hindi nagbibigay puwang sa iba”.

Sa maigsing panahon bilang Papa, si Joseph Ratzinger ay madalas na binanggit ang imigrasyon, hinikayat ang mga katoliko sa bukas palad na pagtanggap at sa paggalang sa karapatan at dignidad ng sinumang lumisan sa sariling bansa upang takasan ang giyera, pagtugis at kahirapan o maging dahil sa paghahanap ng pag-asa para sa isang mas mahusay na pamumuhay. Ito ay ginawa ng Santo Padre sa pamamagitan ng mga improvised o mga pinaghandaang pananalita o mga mensahe tulad noong nakaraang  World Day of Migrants and Refugees.

Sa kanyang huling mensahe na inilathala noong Oktubre, ay higit na binigyang-diin na ang “bawat estado ay mayroong karapatang pamahalaan ang pagpasok ng mga migrante at ang magpatupad ng mga batas ukol sa pangangailangan at ikabubuti ng lahat ngunit palaging siguraduhin ang rispeto sa dignidad ng bawat tao. Ang karapatan ng isang taong mangibang bansa ay nasusulat bilang pangunahing karapatang pantao, karapatang manirahan kung saan pinaniniwalaang mas giginhawa para sa katuparan ng kakayahan, pangarap at proyekto sa buhay”.

Isang araw sa kanyang pagsasalita sa mga kabataan ng Azione Cattolica, ay sinabi ng Papa na maging "mapagbigay, bukas-palas sa pagtanggap, matulungin  at higit sa lahat ay maging tagapag-taguyod ng pananampalataya." "Maraming mga tao at mga kabataan – paalala pa ng Papa- ang nagnanais ng ating mondo dahil sa mababaw ang pagkakakilala dito, nasisilaw sa magagandang imahe at nangangailangang hindi mawalan ng pag-asa, hindi dapat lapastanganin ang kanilang dignidad. Nangangailangan sila ng tinapay, trabaho, kalayaan, hustisya, kapayapaan at ang kilalanin ang kanilang karapatan bilang anak ng Diyos”.

Ukol sa pananaw sa migrasyon, ang Santo Padre ay palaging isinasa-alang-alang ang maaaring maging mapanirang epekto nito sa pamilya at dahil dito ay humiling ng mga batas bilang proteksyon ng mga ito. “Kailangang  asahan– ilang taon na ang nakalipas patungkol sa mga Ambassadors – na isasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga migrante sa paglikha ng mga batas na magpapadali sa family reunification at pagpapatupad ng mga kinakailangan sa seguridad at ang siguraduhin ang paggalang sa tao."

Si Pope Benedict XVI ay nag-aanyayang palagi na makita ng lahat sa mga migrante ang mukha ni Kristo. "Si Jesus – ayon sa Papa sa isang apostolikong paglalakbay sa Africa – ay ninais na maging mukha niya ang mga gutom at uhaw, ang mga estranghero, ang mga hubad, ang maysakit o bilanggo, sa madaling salita ang lahat ng mga taong nahihirapan at nagdudusa at tila nalimutan na; ang ating pagtanggap sa kanila ay maituturing na tulad ng ating pagtanggap kay Kristo mismo.

Bukod dito, tulad ng palaging paalala ng Papa, “Kahit ang mga magulang ni Hesus ay kinailangang tumakas mula sa kanilang sariling bansa at magtungo sa Ehipto, upang sagipin ang buhay ng kanilang anak, ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na naging isang refugee rin.''

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGLULUNSAD NG ORACIÓN NG SAMBAYANANG PILIPINO

Ika-27 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ipinagdiwang