in

Pope Francis, may dugong bunga ng imigrasyon

Si Jorge Mario Bergoglio ay isa sa mga napakaraming Italians mula sa Argentina. At ngayon ay naging isa sa mahalagang  ‘point of reference’ ng mga South Americans sa Italya, na nanguna sa pagbati sa bagong Santo Padre.

Roma – Marso 15, 2013 – “Obligasyon ng conclave na bigyan ng bishop ang Rome. Tila ang aking mga kapatid na kardinal ay nagtungo sa napakalayong lugar upang ako ay matagpuan….”, ito ang mga unang salita ni Jorge Mario Bergoglio sa libu-libong mga manananampalataya sa Vatican noong Miyerkules ng gabi. Ngunit sa katunayan, ang sa bagong Papa, ay ang pagbabalik sa Kanyang 'tahanan'.

Nananalaytay sa dugo ni Pope Francis ang kasaysayan at bunga ng migrasyon ng Italya. Ang kasaysayan ng milyun milyong katao, na sa pagitan ng XIX hanggang XX century ay nilisan ang kanilang mga tahanan upang hanapin ang magandang kapalaran sa apat na sulok ng daigdig. Maging sa Argentina, kung saan halos kalahati ng buong populasyon ay mayroong Italian origin.

Ilan ang naghahangad nito, mula sa butas na bulsa hanggang sa pusong puno ng pag-asa… kabilang dito ang pamilya ni Bergoglio. Sa katunayan, batay sa kanyang biography na simulang umikot sa buong mundo, ang kanyang ‘nuno sa tuhod’ o ama ng kanyang lolo ay ipinanganak malapit sa Asti, sya ay ang ika-apat sa limang anak nina Mario Jose, nagta-trabaho sa istasyon ng tren at ni Regina Maria Savori, isang housewife na may dugong Piedmontese at Genoese.

Ngunit kung babaligtarin ang mga pangyayari, si Pope Francis sa kasalukuyan ay magiging mahalagang ‘point of reference’ para sa maraming South Americans na naninirahan sa Italya at sa unang-unang pagkakataon ay nagkaroon ng isang Latin pope.

Ang mga Argentinians ay higit sa 10,000 ngunit ang pagiging ‘american’ nito ay syang pinto sa mas marami at mas malaking komunidad sa Italya tulad ng mga Peruvians, Equadorians na tinatayang umaabot sa 100,000 bawat komunidad. At kung disappointed naman ang 50,000 Brasilians para sa kanilang cardinal Odilo Pedro Scherer, ay makakapiling naman nila si Pope Francis sa Rio de Janeiro para sa World Youth Day.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mauro at Lilia Esquivel, kinoronahan bilang Mega Couple 2013

Pensyon sa pagreretiro o pensione di vecchiaia, anu-ano ang mga requirements?