in

Regularization, bigo….

Ang pamahalaan ay higit na binalanse ang kanilang posisyon kaysa sa maabot ang tunay na layunin. At sa ngayon ay walang magagawa kundi ang maghintay muli para sa susunod na mas maayos na sanatoria o isa pang huwad na direct hire.

Nalulunod ka, humihingi ng tulong, mula sa isang bangka ay sumisigaw: “Huwag kang mag-alala, ililigtas ka namin”.  Ngunit ang inihagis ay isang maliit na salbabida at 100 talampakan ang layo. Marahil sa patuloy na pagkampas ay maaabot ito. Ngunit maaari ring hindi.

Ikaw ay nasa Italya at walang permit to stay, hindi regular (nero) ang iyong trabaho. Isang anunsyo mula sa pamahalaan: “Maaaring maging regular”. Subalit isang uri ng sanatoria ang naisip na puno ng balakid at nagkakahalaga ng napakalaki, nakasalalay sa mabuting hangarin ng employer at sa isang maganda o malas na kapalaran. Marahil ay ang makalusot ngunit mas malamang ang hindi. 

Nagtapos ang regularization na mayroong halos 135,000 mga aplikasyon, halos lahat ay para sa mga domestic workers, caregivers o babysitters at hindi ito maaaring makapagpanatag dahil kailangang malaman kung ilan sa mga aplikasyong ito ang magiging isang tunay na permit to stay.

Hindi maaaring balewalain ang dalawa, tatlo, 400,000 undocumented na hindi napabilang ng walang anumang kasalanan. Ni hindi rin maaaring bumalik sa fairy tale na ikinuwento ng Ministro (kakaunti diumano ang aplikasyon dahil kakaunti ang mga undocumented), at hindi kaylanman ito tutugma kahit sa pinaka-simpleng pagsusuri: sa mga imigrante na hindi regular na nagtungo sa mga patronati at mga asosasyon, ay maliit na bahagi lamang ang nagkaroon ng pagkakataon upang maipa-sumite ang aplikasyon sa kanilang mga employer. Nakakapagtaka, bukod sa grabe, ay lingid ito sa kaalaman ni Cancellieri.

Ang katotohanan ay malinaw at pangkaraniwan lamang. Maraming mga employer ang ayaw magbayad ng 1,000 euros at higit sa lahat, ang anim na buwang nakalipas (arretrati) na mga buwis at kontribusyon. Maraming mga undocumented ang hindi nakahanap ng mga katibayang buhat sa ‘kinatawang pampubliko’ ng kanilang pananatili sa Italya simula 2011, sa kabila ng huli at hindi malinaw na aspeto ukol dito. Ang dahilan ng ‘failure’ ng regularization ay ang paraan ng pagsulat dito.

Isang pagbabalik tanaw. Mayroong isang unanimous opinion ang Parliyamento na humihingi sa pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya, kumpanya at mga workers bago tuluyang ipatupad ang mas mabibigat na parusa sa sinumang tatanggap sa mga undocumented. Ngunit matapos ang simulan itong pag-usapan, ang PdL, na kasamang nagbigay ng opinyon, ay unti-unting umaatras sabay sabi: “Hindi kaylanman sa Sanatoria”. 

Ito ang naging klima, sa pagitan ng mga proklamasyon at pagkukunwari, ang pamahalaan ay lumikha ng isang uri ng “pagsisisi”. Kasama ng kakaunting tapang at hindi malinaw na kasunduan, ay higit na pinaboran ang majority na sumuporta dito (at ng mga naniniwala dito sa ibang ministries) na mayroong layunin: linisin ang mga irregulars. At dito nagsimula ang regularisasyon na sa bandang huli ay hindi nakapag-regularized. 

Nakapasa ang sanatoria ng Ministro Andrea Riccardi, kahit na nag-iisang defender ng isang magandang intensyong maka-Kristiyano. Na tila hindi isang problema ng kaayusang pampubliko at samakatwid ng Viminale, upang mabawasan ang mga clandestines na dahilan at pinagmumulan ng krimen. Tila hindi isang pangangailangan sa trabaho ang gawing regular ang lahat ng hindi regular.

Ngayon ay huwag nilang sabihing "ang pagkakataon ay aming ipinagkaloob sa lahat at simula ngayon ay magiging mahigpit na kami”. Dahil ang expulsion ay hindi nila maaaring gawin dahil sa kakulangan ng mga instrumento at kakulangan ng mga patakaran upang mag-house to house at maging ng mga kumpanya upang usigin ang mga employer. Ano ang mga susunod na kaganapan?

Pagkatapos ng maliit at hindi matagumpay na operasyon ay muling nagsisimula ang paghihintay sa susunod na sanatoria, marahil ay mas maayos mula sa susunod na pamahalaan. O ng isang bagong direct hire, isang huwad na paraan, ngunit tila ang mas gusto ng mga nakakarami kaysa sa katatapos lamang na regularization.

Tunay na muling bumalik ang ‘autumn’ para sa daan daang libong undocumented, na noong summer ay nangarap na maging tunay na mamamayan ng bansang ito. Muling maghihintay ang mga invisible, para sa mga taong ayaw buksan ang mg amata upang makita ang mag ito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

756,000 – Kabuuang bilang ng mga mag-aaral na imigrante ang magulang

“Italyano ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya” programa ng centre-left coalition