in

Regularization: Mag-ingat sa mga manloloko!

Ang naging karanasan ay malaki ang naiturong leksyon. Marami ang susubukang pagkakitaang muli ang pagnanais na magkaroon ng permit to stay. Kabilang ang mga pekeng Italian employer at mga kababayang intermediaries, ang mga "kliyente" dapat mag-ingat.

Roma – Hulyo 30, 2012 – Ang bagong regularization ay inaasahan ng daan-daang libong mga imigrante, ngunit kasabay nilang nagsasaya ang mga ‘manloloko’ na nagnanais na palobohin ang kanilang mga bulsa.

Hindi na kakailanganin pa ang ‘perlas na bilog’ upang kilalanin ang kanilang modus operandi, sapat ng balikan sa ating mga alaala ang mga pangyayari sa huling Sanatoria noong 2009. Ang mga modus operandi ay nagsimula bago pa man simulan ang pagsusumite ng mga aplikasyon, at maraming mga manloloko na nagbenta sa napakataas na halaga sa mga karaniwang walang pag-asang mga kababayan ng mga froms na nakukuha ng libre sa mga post offices at mga bangko.

Pagkatapos ay kung sasaliksiking mabuti, ay nasasayang ang pagkakataong ibinibigay ng mga employers na karaniwang Italians, sa tulong ng mga intermediaries na karaniwang ng dayuhan. Sa madaling salita: “Ang aplikasyon mo ay isu-submit ko, sa kasunduang babayaran mo rin ako”. Ang halaga? Ilang hundred euros, halagang, sa ilang mga pagkakataon, ay hindi naman nauuwi sa isang totoo at tunay na regularization dahil ang mga Sportello Unico ay sinusuri rin hindi lamang ang aplikasyon kundi pati ang mga employers na pinaghihinalaang nanloloko.

Ang mga pamamaraan ng panloloko ay iba't-iba. Mayroong mga tumatanggap ng pera, kahit na down payment lamang at marahil ay isang pekeng resibo lamang ang ibinabalik sa ‘kliyente’. Ang ilan naman ay sampu-sampu ang mga aplikasyon ngunit isa lamang ang tunay na maaaring matanggap, dahil sa kawalan ng sapat na requirements para sa lahat. Ang ilan naman ay gumagamit rin ng mga pekeng office at sinasabing doon dapat pirmahan ang sinasabing kontrata at iyon ang tanggapan ng Sportello Unico.

Para sa mga imigrante na nadala sa mga panlolokong ito ay walang ibang tsansang natitira. Walang sapat na requirement upang ma-regularize at ang paghahayag ng buong katotohanan sa mga awtoridad ay maaaring maging dahilan para sa isang madaliang expulsion. Samantala, ang mga natagpuan at binalikan ang mga intermediaries at pekeng employer ay ipinababalik ang kanilang mga pera ay nakatanggap ng mga pananakot : “Tatanggapin mo ito kung hindi ay maglaho ka na”.

Upang magkaroon ng ideya kung anu-ano ang mga scam at ang kanilang kahihinatnan ay maaaring basahin ang mga dokumentasyon ukol sa kaso noong 2009 na inilathala ng Naga, isang asosasyon sa Milan, na sa susunod na Martes, bukas ay magsasagawa ng isang pagpupulong upang balaang muli ang mga maaaring maging biktima ng bagong scam.

"Ang ikinatatakot namin ay maaaring nagsimula na ang mga panloloko at nais naming kumilos ngayon sa pagbibigay ng tamang mga impormasyon. Hindi ang katangahan ang dahilan nito kundi ang pagiging desperate at gagawin ang lahat upang maging regular at magkaroon ng permit to stay”, ayon kay Fabio Forfori, ang coordinator for legal consultation ng Nega.   

Ang naging karanasan, sa madaling salita, ay nagtuturo sa mga araw na ito na ang mga nagnanais bilhin ang regularization ay binabalaan. Mainam na lumayo sa mga nangangako ng ‘shortcuts’: maaaring mai-regularize sa tulong ng mga employer, na hanggang sa kasalukuyan ay irregular ang employement dahil sa kawalan ng permit to stay. At alalahaning ang 1,000 euros, bukod sa mga buwis at kontribusyon ay babayaran mismo ng mga employers.

Bilang pagwawakas, ay kailangang isipin na ang lalabas ilang linggo simula ngayon ang implementing rules and guidelines na magsasaad ng pamamaraan ng proseso ng pagpapadala ng aplikasyon, sahod ng employer at ilang importanteng aspeto kabilang ang mga dokumentasyong magpapatunay ng pananatili sa bansa ng Dic 31, 2011.

Mas mainam na hindi pagkatiwalaan ang mga nagsasabi ng higit kaysa sa kung ano ay nailathala sa Official Gazette . Lalo na kung mayroong kapalit na halaga ang mga tulong at impormasyong ibinibigay.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ambassador Reyes nakipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagliari

Tulong pinansyal sa mga disable, matatanggap din ba ng mga imigrante?