in

Regularization, maghahatid ng limpak-limpak na salapi sa Italya

Kahit na isang manggagawa lamang ang ma-regularize sa bawat dalawang irregular immigrants, ito ay maghahatid pa rin sa kaban ng banasang Italya ng 2.5 billion euros. Sa ganitong paraan, ang mga tinatawag na ‘nuovi cittadini’ ay magiging malaking bahagi upang ibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

Malinaw na ito ay isa ring usapin ng pera o salapi. Tiyak na nais rin namang proteksyonan ang mga kumpanya at pamilya sa mas mahigpit na kaparusahan sa sinumang magbibigay ng hanapubuhay sa mga irregulars, at itinuturing na ang pagkakaloob ng permit to stay sa kanilang mga manggagawa na hanggang sa kasalukuyan ay naging ‘invisible’, ngunit hindi maitatago na sa likod ng regularization na ito ay mayroong malinaw na intensyon at pangangailangan sa salaping maidudulot nito.

Simulan natin sa bawat isang libong euros bawat irregular immigrant mula sa mga employer, na sa karamihan ng mga kasong ito, tulad ng alam nating lahat, ay babayaran mismo ng manggagawa. Ito ay doble ng halagang hiningi sa nakaraang sanatoria ng mga colf at caregivers at bukod dito, ayon sa unang mga ‘pahayag’, ito ay hindi mapupunta sa mga buwis at kontribusyon dahil ang mga ito ay babayaran ng hiwalay ng mga employer.  

Theoretically, ang potensyal na makikinabang ay ang kalahating milyong mga iligal na dayuhan, ngunit hindi maaaring isipin na sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at ang mga paghihigpit na ipinapataw ng batas, hindi lahat ay maaaring makayanan ang pagre-regularize sa mga manggagawa. Kahit na lamang isa sa bawat dalawang irregular o 250,000 na mga aplikasyon, samakatwid ay isang umaatikabong € 250,000,000 euros pa rin ang ipapasok nito sa bansa.

Ito ay isang napakalaking halaga, ngunit ang halagang papasok sa bansa ay dipende sa dami ng mga manggagawang mare-regularized. Ayon sa isang pagtatantya ng CGIL, ang kalahating milyong bagong mga regulars na manggagawa ay katumbas ng limang bilyong euros sa isang taon ng mga buwis at mga kontribusyon ang pakikinabangan ng bansa. Kung i-aangkop natin ang isa na lamang sa bawat dalawang irregulars, isang hindi matatanggihang two biilion and a half euros ang maireregalo sa bansang Italya ng mga imigrante. Masama pa ba ang idudulot ng halagang ito?

Tulad nga ng kahilingan ni Gianluca Luciano ng Stranieri in Italia ng matagal na panahon na: “Gawin ang sanatoria at sa ganitong paraan ang mga new citizens ng bansa ay maaaring maging bahagi upang ibalik ang sigla sa nanghihinang ekonomiya ng bansa”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mag-aaral na Pilipino sa Firenze, ika-apat sa pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral na dayuhan

Regularization, simula Sept 15