in

Access sa website ng Ministry of Interior gamit ang SPID ID, narito kung paano

Tulad ng aming inilathala kamakailan, simula March 15, 2019 ang lahat ng mga aplikasyon para sa Italian citizenship, nulla osta al lavoro, sa ricongiungimento familiare at maging sa italian language exam ay isusumite online gamit ang SPID ID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale.

Ang SPID ID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magpapahintulot sa access sa anumang online service ng Public Administration.

Inilathala kamakailan ng Ministry of Interior ang isang gabay sa bagong sistema ng access at log-in gamit ang SPID ID.

Access gamit ang SPID ID:

Sa homepage matapos piliin ang kailangang online service (Sportello Unico Immigrazione, Cittadinanza, Test Italiano), ay kailangang i-click ang “Entra con SPID

Matapos piliin ang access sa pamamagitan ng Spid ID “Entra con SPID” sa homepage, ay matatagpuan ng aplikante ang screenshot sa ibaba.

Kailangang pillin ng aplikante ang Identity Provider.

Matapos pillin ang provider, ay makikita ang “Richiesta di accesso” kung saan ilalagay ang username at password.

Sa screen ay maaaring pumili sa 3 aksyon:

  • Entra con SPID: upang ganap na tapusin ang authentication;
  • Annulla: upang makabalik sa naunang pahina
  • Recupera password: upang magkaroon ng bagong password sa SPID access.

Basahin rin:

Ano ang SPID ID at paano magkaroon nito para sa aplikasyon ng italian citizenship? 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Yahel Angelo, ang unang sanggol sa Sassuolo ng 2019

Euro, tatanggalin ang € 500 banknotes sa ika-20 taong anibersayo