Sa pamamagitan ng website ng Interior Ministry ay maaaring masundan ang status ng aplikasyon ng italian citizenship, pati na rin ang anumang komunikasyon buhat sa Prefecture. Narito kung paano.
Ang sinumang nag-aplay ng Italian citizenship ay maaaring kontrolin online ang aktuwal na estado nito. Sapat na ang mag-log in sa website ng Ministry of Interior.
- Ang mga nagsumite ng aplikasyon online, batay sa lumang proseso nito ay maaaring maka-access gamit ang username at password na ginamit sa pagsusumite ng aplikasyon at mga inilakip na dokumento.
- I-click ang “Cittadinanza” (sa bandang kaliwa) at pagkatapos ay i-click ang “Visualizza Stato della Domanda”.
- Sa mga maglo-log in naman sa unang pagkakataon, dahil isinumite ang aplikasyon batay sa bagong proseso o sa pamamagitan ng SPID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale ay:
- Sa homepage matapos piliin ang kailangang online service ay kailangang i-click ang “Entra con SPID”
- Matapos piliin ang access sa pamamagitan ng Spid ID “Entra con SPID” sa homepage ay kailangang pillin ng aplikante ang Identity Provider.
- Matapos pillin ang provider, ay makikita ang “Richiesta di accesso” kung saan ilalagay ang username at password.
Sa screen ay maaaring pumili sa 3 aksyon:
- Entra con SPID: upang ganap na tapusin ang authentication;
- Annulla: upang makabalik sa naunang pahina;
- Recupera password: upang magkaroon ng bagong password sa SPID access.
Kapag nakapasok na sa sistema online ng Ministry, upang makita ang lahat ng komunikasyon mula sa Prefecture. piliin at i-click ang “Cittadinanza’ pagkatapos ay ang ‘Comunicazioni’.
Dito ay makikita ang tinatawag na K10 o ang code number ng aplikasyon. Kung ang code ay K10/C, ito ay tumutukoy sa aplikasyon ng italian citizenship by marriage.
Sa pamamagitan ng code na nabanggit ay malalaman din kung anong publikong tanggapan na ang may hawak ng aplikasyon. Sa katunayan, ayon Avv. Angelo Massaro, isang eksperto sa imigrasyon, sa kanyang Gabay ukol sa Citizenship, batay umano sa mga huling numero ng code number ay malalaman ang estado ng aplikasyon at samakatwid kung saang tanggapan maaaring mag- follow up.
Kung ang K10 ay nagtatapos sa bilang na 0,1,2, ito ay nangangahulugang nasa Area III.
Dirigente dell’Area Viceprefetto Aggiunto d.ssa Paola Varvazzo
Tel: 0646529882
Email: paola.varvazzo@interno.it
Pec: area3citt@pecdlci.interno.it
Kung ang K10 naman ay nagtatapos sa 3,4,5,6, ito ay nasa Area III bis
Dirigente dell’Area Viceprefetto Aggiunto d.ssa Antonella Alvaro
Tel: 0646539922
Email: antonella.alvaro@interno.it
Pec: area3biscitt@pecdlci.interno.it
Kung ang K10 naman ay nagtatapos sa 7,8,9, ito ay nasa Area III ter
Dirigente dell’Area Viceprefetto Aggiunto d.ssa Franca Sesti Miraglia
Tel: 0646539918
Email: franca.sestimiraglia@interno.it
Pec: area3tercitt@pecdlci.interno.it