in

Alamin ang status ng application o renewal ng permit to stay, narito kung paano

Narito ang mahahalagang website kung saan maaaring malaman ang status ng releasing o renewal ng permit to stay. 

 

Roma – Ang dayuhang nagsumite ng ‘kit postale’ para bilang application ng renewal o duplicate ng anumang uri ng permit to stay, pati ang EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno ay madaling malalaman ang status online, sa pamamagitan ng mahahalagang websites, kung ang nabanggit na dokumento ay handa na sa releasing.

Una sa lahat, matapos maisumite ang ‘kit postale’ para sa first issuance o renewal ng permit to stay ay maaaring malaman kung ang dokumentasyon na isinumite ay kumpleto na o kung kinakailangan ang maglakip na ilang dokumento sa pamamagitan ng website www.portaleimmigrazione.it. I-click lamang ang ‘Area riservata stranieri’.

Upang makapasok sa sistema, ay kakailanganing ilagay ang user id (12 characters) at ang password na makikita sa assicurata postale buhat sa Sportello Amico sa panahon ng pagsusumite ng Kit.

Samantala, upang malaman kung ang permit to stay ay handa na, ay sapat nang magtungo sa website ng Polizia di Stato gamit ang user ID (12 characters) kung ang aplikasyon ay isinumite sa pamamagitan ng Poste. Samantala, numero pratica naman (10 characters) kung direktang nag-aplay ng renewal sa Questura.

Kung handa na ang permit to stay ay makikitang nakasulat dito ang address ng Commissariato kung saan ang releasing ng permit to stay.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

March 24, submission ng FAMI project proposals

Gabay sa Pagpili ng Iboboto