in

Alamin kung exempted sa OEC! Narito ang maikling gabay.

Simula Setyembre ay sinimulan ang  pagtatatnggal sa OEC o overseas employment certificate sa mga kwalipikadong Ofws.

 

Batay sa direktiba ni President Rodrigo Duterte ay simulang ipinatupad mula noong Sept. 15, 2016 ang POEA Governing Board Resolution No. 12, Series of 2016. Ito ay ang pagtatatnggal sa OEC o overseas employment certificate, kilala rin sa tawag na ‘exit pass’. Layunin nito ang mapadali ang proseso sa muling paglabas ng mga Ofws mula sa bansang Pilipinas.

Narito ang maikling gabay ukol sa exemption ng OEC. 

Sino ang exempted sa OEC?

Exempted sa OEC, ang mga Balik Manggagawa na babalik sa parehong employer at country of employment

Narito ang bawat hakbang upang malaman kung qualified sa OEC Exemption:

1) Mag-register sa http://bmonline.ph/

2) Makakatanggap ng email confirmation ang ofw.

3) Mag log-in. Ilagay lamang ang pinakahuling OEC number. Kung walang makikitang record sa database, mag-schedule ng Online appointment.

 

Kung makikita naman ang record, i-update ang personal data, employment details, beneficiaries kung kinakailangan.

4) I-click ang Acquire OEC or Exemption for online processing. Ilagay din ang petsa ng flight at kumpirmahin kung babalik sa parehong employer at country of employment.

5) Kung babalik sa parehong employer at country of employment, ibibigay ng sistema ang confirmation message kung saan nasasaad ang exemption sa OEC.

6) Kung hindi naman ay dadalhin sa Appointment page ng sistema.

7) Piliin lamang ang POEA office at i-schedule ang processing ng OEC at payment.

 

Kung exempted sa OEC, narito ang dapat gawin:

1) Direktang magtungo sa Immigration counter sa airport sa araw ng flight.

2) Sigurading dala ang balidong pasaporte, balidong work permit kung saan nasasaad ang pangalan ng employer at ang bansa kung saan nagta-trabaho o anumang katibayan na nagsasaad ng dalawang nabanggit tulad ng pinakahuling pay slip, employment contract at iba pa.

3) Para sa travel tax at terminal fee exemption naman ay kailangang magdala ng kopya ng mga nabanggit na dokumento sa itaas.

Ibibigay rin ng sistema ang tracking number ng exemption.

 

Kung hindi exempted, narito ang mga dapat gawin:

1) Piliin ang paraan ng pagbabayad at kung saan magbabayad ng OEC.

2) Matapos gawin ang pagbabayad, mag-log in sa online account.

3) I-click ang “My transactions”

4) I-click ang “OEC Requests”

5) I-click ang “print OEC” ng tatlong kopya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Basic Counseling Skills for Community Leaders

Bakasyon sa Pilipinas ngayong Pasko? Silipin muna ang permit to stay