Roma – Abril 8, 2013 – Ang salitang CUD ay kumakatawan bilang acronym at nangangahulugan ng certificazione unica dei redditi di lavoro dipendente. Ito ay kinakailangan ng manggagawa sa pagpa-file ng tax return o dichiarazione dei redditi.
Bawat worker ay may karapatang tanggapin ang CUD buhat sa sariling employer.
Kung ang employer ay isang kumpanya, ang CUD ay kinakalkula ng job consultant batay sa mga impormasyong tinataglay sa payroll o busta paga.
Para sa domestic job, gayunman, ang mga patakaran ay naiiba: ang employer, ayon sa batas ay kailangang gumawa ng isang simpleng deklarasyon, ang Dichiarazione sostitutiva del CUD o isang deklarasyon na nagpapatunay ng kabuuang halaga ng sahod o kita na tinanggap ng worker sa isang taon.
I-Download ang modulo per la dichiarazione sostitutiva del CUD
Anu-ano ang mga tinataglay ng CUD para sa domestic job
Kung ang CUD ay isang kumplikadong uri ng dokumento, ang dichiarazione sostitutiva na itinalaga para sa domestic job ay tunay na isang simpleng dokumento lamang.
Ang CUD para sa mga domestic workers ay walang standard format. Sa form, gayunpaman, ay dapat na tinataglay ang mga sumusunod:
• personal datas at fiscal code ng employer;
• personal datas at fiscal code ng worker;
• ang taong tinutukoy;
• ang bilang ng mga araw na hindi pinagtrabaho (giorni di detrazione) kabilang ang panahon ng sospensyon ng kontrata at ang mga non-working days
• ang gross salary na natanggap ng worker ng nakaraang taon (kabilang ang 13month pay at kontribusyon);
• ang kontribusyon sa INPS at Cassa Colf;
• ang net salary;
• anumang maaaring lapatan ng buwis o reduced IRPEF (over-time at mga bonus), at
• anumang TFR o trattamento fine raporto (kahit pa advance).
Mga tuntunin sa pagbibigay ng CUD
Kung ang CUD ay ibinibigay sa worker hanggang Pebrero 28 ng dalawang kopya ng mga kumpanya, ang dichiarazione sostitutiva naman para sa mga domestic worker ay walang anumang petsang itinakda ang batas.
Gayunpaman, ang employer ay dapat na ibigay ang deklarasyon batay sa kahilingan ng worker ngunit bago ang petsa ng pagpunta sa CAF para sa tax return.
Sa kaso ng pagwawakas ng trabaho (cessazione del lavoro), ang CUD ay dapat ibigay sa worker, labindalawang araw matapos hilingin ito.
Ano ang dapat gawin ng worker?
Sa sandaling natanggap ang sostitutiva ng CUD, ang colf ay obligadong mag-file ng tax return at ang bayaran ang mga buwis; imposte IRPEF at ang addizionali comunali at regionali.
Samantala, exempted mula sa pagpa-file ng tax return ang mga worker na walang ibang natanggap na sahod bukod sa deklarado sa CUD.
Ang mga domestic worker naman ay dapat gawin ang tax return sa pamamagitan ng “Modello Unico”.
Sundan ang: Ang dichiarazione dei redditi ng mga colf