in

Ang CUD para sa domestic workers

Ang mga employer ay kinakailangang ibigay sa kani-kanilang colf o caregiver ang tinatawag na ‘dichiarazione sostitutiva del CUD’ kung saan nasasad ang kabuuang halaga na sinahod sa isang buong taon, para sa pagpa-file ng income tax return o ang tinatawag na dichiarazione dei redditi.

Ito ay dapat na ibigay sa worker:

–         ng hindi bababa sa 30 araw bago ang deadline sa pagpa-file ng tax return

–         kapag natapos ang paglilingkod (tapos ng kontrata, pagbibitiw o pagtatanggal sa trabaho)

Ano ang nilalaman ng CUD?

Ang CUD ay acronym ng salitang “certificazione unica dei redditi di lavoro dipendente”. Ito ay kinakailangan sa pagpa-file ng income tax return.

Kung ang CUD ay isang kumplikadong dokumento, karaniwang inihahanda para sa mga kumpanya ng isang job consultant batay sa mga impormasyong napapaloob sa payroll o busta paga, ang dichiarazione sostitutiva del cud para sa mga domestic workers ay isang simpleng dokumento lamang na madaling i-fill up.

Ang CUD para sa mga domestic workers ay walang standard format. Gayunpaman, ay dapat na nagtataglay ng mga sumusunod na detalye:

• personal datas at fiscal code ng employer ;
• personal datas at fiscal code ng worker ;
• ang taon; (ang tax return o ang dichiarazione dei redditi ay palaging tumutukoy sa naunang taon; hal: dichiarazione dei redditi 2013 ngunit ang tinutukoy na kabuuang sahod ay para sa taong 2012)
• ang bilang ng araw na hindi pinagtrabaho sa taong tinutukoy (giorni di detrazione), kasama rin ang anumang sospension ng kontrata at mga non-working days)
• ang gross income (kasama ang 13th month pay at kontribusyon)

• kontribusyon sa INPS at Cassa Colf ;
• ang net income;
• anumang buwis na subject sa reduced IRPEF (overtime at mga bonus) , at
• separation pay (kahit sa pamamagitan ng advance payment ) .
 

Ano ang dapat gawin ng worker

Sa sandaling matanggap ang dichiarazione sostitutiva del CUD, ang colf at caregiver ay obligadong mag-file ng income tax return at bayaran (kung mayroon man) ang IRPEF, ang buwis na tinatawag na addizionali comunali e regionali.

Ang domestic worker ay magpa-file ng kanyang dichiarazione del reddito sa pamamagitan ng Modello Unico.

Exempted sa income tax return o dichiarazione dei redditi ang sinumang, sa taong tinutukoy, ay hindi nagkaroon ng ibang sahod bukod sa nakadeklara na sa dichiarazione sostitutiva del CUD.

Modulo per la dichiarazione sostitutiva del CUD

Source: art 33CCNL 2013: Nuovo contratto collettivo del lavoro domestico

Para sa karagdagang impormasyon, www.colfebadantionline.it

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Racism. Kyenge: “Ang pagbabago ay magsisimula sa paaralan”

FASA Milan, mistulang tunay na grupo ng Sandatahan Lakas ng Pilipinas