in

Ang halaga ng Assegno Unico 2022, batay sa ISEE 

ISEE Ako Ay Pilipino

Mula sa March 1 ay mapapalitan ng Assegno Unico 2022 para sa mga dependent na anak hanggang 21 anyos ang iba pang mga benepisyo. Ito ay matatanggap kada buwan sa pamamagitan ng bank transfer mula sa Inps, matapos ang aplikasyon. Ang halaga ng assegno unico ay batay sa ISEE na inilathala ng Inps online. 

Ito ay kailangan ding i-aplay kahit tumatanggap na ng assegno unico temporaneo.

Ang deadline ng aplikasyon ay June 30, 2022 at matatanggap din ito para sa mga nagdaang buwan na hindi natanggap ang benepisyo o arretrati. Kung ang aplikasyon ay isusumite sa July 1, 2022, ang benepisyo ay matatanggap simula sa susunod na buwan ng aplikasyon. Habang ang mga tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza ay na hindi kailangang magsumite pa ng aplikasyon at matatanggap ang benepisyo sa RdC card. 

Ang halaga ng Assegno Unico 2022 batay sa ISEE

  • ISEE hanggang €15,000€ 175,00 para sa bawat menor de edad na anak (€ 85,00 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE €15,000€ 174,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 84,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE €16,000€ 169,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 84,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 17,000€ 164,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 80,00 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE €18,000€ 159,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 77,50 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE €19,000€ 154,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 75,20 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 20,000€ 149,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 72,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 21,000€ 144,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 70,40 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 22,000€ 139,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 68,00 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 23,000€ 134,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 65,60 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 25,000€ 124,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 60,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 30,000€ 99,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 48,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE € 35,000 € 74,50 para sa bawat menor de edad na anak (€ 36,80 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • ISEE mas mataas sa €40,000 € 50,00 para sa bawat menor de edad na anak (€ 25,00 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)
  • Walang ISEE€ 50,00 bawat menor de edad na anak (€25,00 para sa mga anak mula 18 anyos hanggang 21 anyos)

Kaugnay nito, upang malaman kung magkano ang posibleng matanggap na halaga ng assegno unico, se website ng Inps ay matatagpuan ang online simulator. Sa sistema ay ilalagay ang bilang ng mga anak na menor de edad at hindi at ang halaga ng ISEE. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino sa Italya, paano boboto sa darating na 2022 Elections?

Italya, wala ng quarantine para sa mga darating mula sa non-EU countries