Narito ang maikling gabay ng update National Collective Labor Contract para sa taong 2017 ukol sa mga panuntunan ng hiring at employment contract.
Hindi obligado na ang isang manggagawa ay rehistrado bilang unemployed upang ma-hire bilang colf o caregiver.
Hiring o Assunzione
Sa paggawa ng hiring letter o lettera di assunzione, dalawang kopya – 1 sa worker at 1 sa employer – ang colf o caregiver ay kailangang nagtataglay ng balidong permit to stay at tessera sanitaria. Ang employer, sa pamamagitan ng Comunicazione Obbligatoria Unificato Lav o kilala rin sa tawag na modello Unilav ay ipinagbibigay-alam sa Inps ang regular na hiring.
Ipinapaalala na ang comunicazione di assunzione ay dapat ipadala online sa Inps atleast 24 hrs bago ang simula ng trabaho (kabilang ang piyesta opisyal).
Ang kontrata
Ang employment contract o lettera di assunzione, ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod bukod pa sa mga personal na datos ng employer at worker tulad ng:
- petsa ng pagsisimula ng trabaho;
- ang antas o level ng trabaho;
- ang panahon ng pagsubok o prova;
- ang mga posibleng magkakasamang buhay;
- ang haba ng oras ng pagtatrabaho at pamamahagi nito;
- indikasyon ng araw ng half-day off, bukod sa araw ng Linggo;
- halaga ng suweldo, oras ng trabaho kaga linggo o buwanan;
- ang lugar kung saan magta-trabaho;
- panahon ng bakasyon o ferie;
Ang sahod ay kinakailangang batay sa itinalagang minimum wage ng CCNL. Ang mga itinakdang halaga, gayunpaman, ay nagbabago batay sa antas ng trabaho at nagsisimula sa 4.54 euros per hr para sa mga part-timer at 1.372 para sa mga live-in at nagbibigay mayroong night shift hanggang 54 hrs kada linggo.
Basahin rin:
Oras ng trabaho
Tulad ng nabanggit, ang maximum na oras ng pagtatrabaho ay 54 hrs kada linggo, o 10 oras sa isang ara non-consecutive. Para sa mga manggagawa na part-timer, ang limitasyon ay bumababa sa 8 oras bawat araw at 40 oras bawat linggo.
Ang pahinga sa araw-araw ay 11 consecutive hrs at 36 hrs naman kung weekly. Sa huling nabanggit, ang 24 hrs ay tumutukoy sa araw ng Linggo habang ang natitirang 12 hrs naman ay batay sa kasunduan ng employer at worker.
Samantala, ang sick leave naman, casualty (inofrtunio), maternity leave ay mahalaga bilang araw ng trabaho sa kalkulasyon ng araw ng ferie o bakasyon.
Ang kontribusyon ay binabayaran sa Inps simula sa araw ng komunikasyon sa Inps, kasama ang panahon ng prova.
Basahin rin:
Colf, caregivers at babysitters, paano kinakalkula ang kontribusyon?
Ferie o bakasyon ng mga colf, paano kinakalkula?
Paano babayaran ang kontribusyon sa Inps?