in

Ang international pension ng dayuhang mamamayan

Ang bansang Italya ay pumirma na sa bilateral agreement at ang may social security insurance sa Italya at sa labas ng bansang Italya ay pinapayagan na pagsama-samahin ang mga panahong iginugol sa trabaho.

 

Pwedeng pagsama-samahin ang panahong ipinagtrabaho ng isang dayuhan sa Italya o sa labas ng bansa upang makuha ang karapatan sa pension.

Ito ay ang tinatawag na “totalizzazione” (totalization). Ang bansang Italya ay pumirma na sa bilateral agreement at ang may social security insurance sa Italya at sa labas ng bansang Italya ay pinapayagan na pagsama-samahin ang mga panahong iginugol sa trabaho.

Ang kasunduang “sicurezza sociale” (social security) na pinirmahan ng bansang Italya sa ilang mga bansang hindi miyembro ng European Union ay nagsasaad ng pagsang-ayon na makuha ang pension mula sa trabahong isinagawa sa Italya. Ang mga bansang may kasunduan sa bilateral agreement ay ang mga sumusunod:

Argentina, Australia, Brazil, Canada, Cape Verde, Croatia, Jersey, Channel Islands, Ex-Yugoslavia, Israel, Mexico, Monaco, San Marino, United States, Tunisia, Turkey, Uruguay, the Holy See, Serbia, Venezuela and the states of former Federal Republic People of Yugoslavia (Bosnia and Herzegovina, Macedonia, Montenegro).

 

Isinasaad sa international agreement na ang request para sa pension ay dapat isumite sa Istituzione competente dello Stato di residenza (competent institution ng Estado na kung saan ay naninirahan). Ang application ay kailangang nagsasaad ng mga impormasyon tungkol sa trabahong isinagawa sa iba’t ibang bansa upang kwentahin ang halaga ng pension na makukuha. Ang request ay balido kahit sa ibang bansa na pumirma sa kasunduan.

Kung ang worker ay residente sa Italya, ang application ay dapat isumite sa INPS, may akmang pormularyo na dapat gamitin base sa tipo ng pension na hinihingi kalakip ang mga sumusnod na dokumento:

          auto certification, ito ay kapalit ng residence certificate at nasyunalidad;

         questionnaire, sakaling hilingin sa mga foreign countries at application form kung sa bilateral agreement ang paghiling ng tulong pampinansyal ay responsabilidad ng mga foreign countries.

         mga dokumentasyon na may kinalaman sa panahong iginugol sa pagtatrabaho sa mga kaanib na bansa;

          Akmang pormularyo para sa tax deduction. 

 

Mga bansang walang pinirmahang kasunduan

Kung ang country of origin ay walang pinirmahang kasunduan sa Italya, ang tinatawag na “totalizzazione” sa social security ay hindi pwedeng makamtam ng isang dayuhan. Noong mga nakaraang panahon, ang sinuman na nagtrabaho sa sariling bansa kahit “walang pinirmahang kasunduan” at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho sa ibang bansa, sakaling iwan niya ang bansang Italya, maaari siyang magrequest ng riembursement sa pinagbayarang contributi sa INPS. Ang posibilidad na ito ay tinanggal sa batas 189/2002 (Bossi/Fini).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga employer tipid sa pagbabayad ng buwis kung regular ang colf at badante

Soft Opening…Dinagsa Iremit sa Roma