in

Ang Money Transfer at Batas bilang 148 ng 14/09/2011

2% Tax sa pagpapadala ng pera, narito ang mga tagubilin.

Magbabayad lamang ng buwis ang mga non-EU nationals at walang INPS serial number at fiscal code

altAng Batas 148 ng Set 14, 2011, ay nagpapatupad mula ika-17 ng parehong buwan ng mga bagong patakaran para sa lahat ng mga operators at mga gumagamit ng serbisyo ng money transfer sa Italya. Ito ay nagsasaad ng pagbabayad ng isang buwis (imposta di bollo) ng 2% ng halagang ipinapadala sa bawat operasyon, minimum ng € 3. Ang buwis ay binabayaran sa pamamagitan ng pagbili ng selyo sa tobacconist at paglakip nito sa transaksyon.

Ngunit maging maingat, dahil ang buwis ay hindi binabayaran ng mga mamamayan ng European Union at sa mga ipinapadalang pera sa mga bansa ng European Union. Exempted  din ang mga mayroong INPS serial number at fiscal code .

Upang  maiwasan ang anumang pagdududa, ang  INPS serial number ay matatagpuan sa anumang mga sumusunod na dokumento:

• pay slips ng anumang uri  
• CUD ng pahinang nagtataglay ng INPS  serial number

• F24 sa seksyon ng  INPS
• Postal bills ng INPS  
 

Samakatwid, sapat na ang INPS serial number at fiscal code upang hindi bayaran ang nasabing buwis, anuman ang nasyonalidad ng nagpadala at destinasyon ng ipapadalang pera

Ang bagong buwis ay lumikha ng mga alinlangan at kaguluhan sa pagitan ng mga migrante at money transfer operator,  at  kinakailangang linawin kung sino ang tunay na papatawan ng  2% tax sa mga  transaksyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Arrivederci Kuya Ed! A presto!

“ILO Convention on Domestic Workers”