in

ANG PAGTATANGGOL (PATROCINIO) AY GASTOS NG ESTADO

Kinikilala sa Italya ang prinsipyong di-paglabag sa usaping karapatan sa pagtatanggol. Nakasaad sa Italian Constitution ang karapatan sa katarungan at sa pagtatanggol sa lahat ng tao nang walang pinipiling lahi, kasarian at nasyunalidad, kahit pa siya’y dayuhan, naninirahan ng legal o illegal.

Upang ipagtanggol sa isang paglilitis na saklaw sa inihatol na parusa, upang ipagtanggol ang sarili ng sinumang inakusahan saginawang krimen, maaari siyang pumili ng pinagkakatiwalaang abogado sapagkat kung hindi siya pipili, ino-nomina ang isang obogado mula mismo sa Hukuman.  

Ang serbisyo ng abogado ay babayaran ng akusado subalit may mga kaso na kung walang sapat na kita, ang assistance ng abogado ay babayaran ng gobyernong Italyano (patrocinio a spese dello Stato).

Mga taong may karapatan nito

Upang makakuha ng “patrocinio a spese dello Stato”, ang aplikante ay hindi dapat kumita sa loob ng isang taon na mahigit sa €10.628.16. Ang halagang ito ay hindi dapat nagre-resulta sa kaniyang huling income tax declaration. Kung ang aplikante ay kasamang naninirahan ng asawa o ibang miyembro ng pamilya, upang makatanggap ng nasabing benepisyo, kailangang pagsamasamahin ang income ng lahat ng kasapi ng pamilya na nakapaloob sa family composition subalit dapat naman idagdag ang halagang €1.032,91 para sa bawat isang kasapi. Kung napagsama na ang lahat ng kita ng pamilya at lumampas sa halagang 10.628,16 euro, walang karapatan na maka-avail ng patrocinio a spese dello Stato. 

Walang karapatan sa patrocinio ang mga sumusunod: 
Ang patrocinio a spese dello Stato ay hindi pinapayagan:
– sa paglilitis dahil siya’y tax evader;
– kung ang aplikante ay assisted ng higit sa isang tagapagtanggol;
– kung nakondenahan dahil sa pagkasangkot sa grupong mafiosa, at may koneksyon sa drug trafficking.

Paano mag-aplay

Ang aplikasyon ay dapat ipresenta ng personal sa Hukuman na kung saan ay nakalakip ang valid identity document, o kaya’y maaaring ipresenta ng pinagkakatiwalaang tagapagtanggol o ng nominate dna abogado mula sa opisina ng Hukuman.

Ang aplikasyon, pirmado ng aplikante, at dapat ipresenta sa carta semplice at dapat malinaw na nakasulat ang:

– request sa paghingi ng patrocinio;
– ang personal information at tax code (codice fiscale) at kasapi ng pamilya;
– sertispikasyon ng kinitang salapi noong nakaraang taon (seldeclaration)
– sertipikasyon (para sa income na natanggap mula sa labas ng bansa) na nagmula sa consulate na nagpapatunay ng katotohanan sa nakadeklarang aplikasyon.
– pagbibigay garantiya na makikipag-ugnayan sakaling magkaroon ng mga pagbabago tungkol sa income upang makatanggap ng benepisyo.

MAHALAGANG ABISO: kahit ang isang dayuhang hindi regular, may expired na permesso di soggiorno, na-revoke o kaya’y isang dayuhang pumasok ng illegal sa Italya, ay may karapatan magrequest ng patrocinio na walang bayad (gratuito patrocinio), kahit siya’y walang codice fiscale. 

Kahit ang isang nakakulong na tao sa kulungan ay maaaring magpresent ng application sa pinuno ng institution na siyang magpaparating sa hukom na nag-aasikaso ng proseso.

Sa loob ng sampang araw mula nang ipresenta ang aplikasyon sa paghiling ng libreng assistance, aalamin at pag-aaralan ng Hukom kung maaaprubahan ito at siya’y magdedesisyon kung tanggap o hindi ang nasabing request, ipaalam niya ito sa abogado na nagpasok ng aplikasyon o ibibigay mismo sa aplikante.
Ang mga taong nakapasà  sa patrocinio ay maaaring kontrolin ng Guardia di Finanza sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga bangko at lending company.
Ang false declaration at kakulangan sa pagbibigay ng komunikasyon sa anumang pagbabago sa dagdag na income ay paparusahan ng pagkakulong ay magmumulta mula 309,87 hanggang 1.549,37 euro, bukod pa sa lahat ng kabuuang bayad para sa Estado.  (Avv. Mascia Salvatore/ABM)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leche Flan

Maroni: “Sa taong ito, 9 na libo ang napauwi, 88% ang dumating”