Ang Batas 94, 2009 ay batas na kung tawagin ay security package. Ito ay may hanay ng mga pagbabago sa field of migration na makakaapekto sa maraming institusyon na pumapailalim sa “Testo Unico”, ang saligang batas na kung tawagin ay Law 286 of 1998. Kabilang sa maraming pagbabago ay tungkol sa bilang ng mga pamilya. Dito ay makikita ang mga detalye sa nasabing pagbabago.
Mga pagbabago sa art. 116 of civil code
Sa mga pagbabagong isinagawa ng kongreso, nangunguna ang pagpigil sa marriage of convenience between Italian citizens and foreigners. Ito’y maituturing na hindi pangkaraniwan sapagkat ito’y ginagawa ng marami sa dahilang nais nilang magkaroon ng permit to stay for family reason (permesso di soggiorno per motivi familiare) na sa kabila nito ay may kapalit na halaga na dapat bayaran mula sa illegal migrant na nagpakasal sa isang italyano upang takasan ang illegal na paninirahan sa bansa.
Isa sa artikulo ng art. 116 of civil code sa ngayon, na naging resulta sa ipinakilalang mga pagbabago ay ang kagustuhan ng isang dayuhan na magkaroon ng valid residence permit, upang magkaroon ng marriage contract at nang sa ganun ay kilalanin ang kaniyang status sa teritoryo ng bansa. Hindi nangangahulugan na ang pagkakaroon ng balidong dokumento upang manirahan ng legal sa bansa ay pagkakaroon ng permit to stay (permesso di soggiorno), ito’y paraan upang sumunod sa batas ng legal na paninirahan at pagpasok sa bansa.
Kaya’t malinaw na ang sinumang may valid residence permit o visa ay maaaring manirahan sa bansa sa maigsing panahon lamang (ang dayuhan ay hindi na pwedeng mag-aplay ng permesso di soggiorno kung ang motibo ng entry visa ay tourist), may visa bilang patunay sa legal na pagpasok sa bansa, o kaya’y may “dichiarazione di presenza” – isang form na kukumpilahan ng dayuhan at isusumite sa police station, o kaya’y may permesso di soggiorno na nasa proseso ng renewal o may permesso di soggiorno na ipinagkaloob ng isa sa mga bansa ng European Union.
Mga pagbabago sa coesione familiare
Isa sa mga binago ay ang tungkol sa katayuan ng dayuhang kamag-anak ng italian citizens na naninirahan sa bansa at pwedeng mag-aplay ng coesione familiare. Ang articolo 19 del Testo Unico, bago ang reporma, ipinagbabawal ang pagpapauwi sa kapamilyang extraUe ng isang italian citizen hanggang ikaapat na grado (kasama ang pinsan). Ang nasabing atas ay binago at sa ngayon, isinasaad sa batas na hindi mapapauwi ang dayuhang kamag-anak sa ikalawang grado ng isang italiano at maaari silang mag-aplay ng permesso di soggiorno per coesione familiare na nakasaad sa sa ilalim ng art. 28 of DPR 394/99 at ss.mm.
Mga pagbabago sa ricongiungimento familiare
Maraming naganap na pagbabago sa regulasyon ng petisyon(ricongiungimento familiare) nitong nakaraang taon (legislative decree. no. 5 of 2007, Legislative Decree no. 160, 2008, at ang law 94 of 2009), na kung saan ay naapektuhan ang mga dayuhang nais maparating sa bansa ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang pwedeng i-petisyon sa ngayon ay:
– ang asawa (walang legal separation)
– mga anak na menor de edad, kahit ang mga magulang ay hindi kasal sa kondiyong ang isa sa mga magulang ay magbibigay ng pahintulot na mapetisyon ang bata.
– mga anak na may kapansanan o invalid kahit ang edad ay higit sa 18 na may
– mga magulang, walang anak na kasama sa sariling bansa at mga magulang na higit sa edad na 65 at walang kakayahang suportahan ang pang-araw-araw na buhay, sakaling may anak na kasama sa sariling bansa kailangang magbigay ng patunay (medical certificate) na ang mga ito ay may malubhang karamdaman.
May ilan sa mga kaso na ang konsulado ay humihingi nga DNA test upang patunayan ang relasyon sa aplikante.
Isa sa pangunahing dokumento na kailangang ipakita upang magpetisyon ng kapamilya ay ang “certificato di idoneità allogiativa (housing suitability). Ito ay maaaring hingin sa inyong munisipyo o asl. Kung ang kukunin ay anak na wala pa sa edad na 14, kailangan lamang ang pahintulot ng may-ari ng bahay. (Liza Bueno Magsino)