Ang mga employer na nagnanais na mag-aplay ng working permit para sa isang colf o babysitter ay dapat magkaroon ng isang taunang kita, tulad ng iniaatas ng Circular ng Ministry of Labour No. 1 ng 2005, ‘ng isang taunang kita o sahod na doble kumpara sa halaga ng taunang suweldo ng manggagawa, kasama ang anumang mga kaugnay na kontribusyon’.
Para sa mga employer ng mga care givers naman ay kinakailangan lamang ang medical certification ng kondisyong pisikal, at hindi kinakailangan pang ipakita ang kanyang pang-ekonomiyang kapasidad.
Upang magsumite ng aplikasyon para sa ‘nulla osta’ o working permit sa pamamagitan ng direct hire 2011, ang employer ay sisiguraduhin ang isang buwanang suweldo na hindi bababa sa minimum wage na itinatag ng batas at hindi bababà sa buwanang social allowance ng 417.30 euros.
Dapat ding isa alang alang ang kabuuang oras ng 20 oras bawat linggo at pagbibigay ng isang angkop na tirahan na na-aayon sa mga parameter ng isang public heath office sa pamamagitan ng isang sertipikasyon.
Ang buwanang obligadong suweldo ay kasamang kinakalkula ang 13th month pay at separation pay. Gayun din, kung ang colf ay naka live-in sa employer, kailangang idagdag ang sustento sa tirahan na kinakalkula ayon sa mga kolektibong kasunduan (contratto collettivo).
Sa full-time job, ang minimum wage ay sinasaad sa isang ‘table’ sa ibaba at nag-iiba ayon sa iba’t ibang antas ng kontarto at kung ang trabahador ay naka live-in sa employer.
Ang ‘table’ ay tumutukoy, sa isang full-time na trabaho.
LIVE-IN JOB (LAVORATORI CONVIVENTI)
TABELLA A
valori mensili in €
A 572,71
AS 676,84
B 728,91
BS 780,97
C 833,04
CS 885,10
D 1.041,30 153,98
DS 1.093,36 + indennità 153,98
FULL TIME JOB
LAVORATORI NON CONVIVENTI
TABELLA C
valori orari in €
A 4,16
AS 4,90
B 5,21
BS 5,52
C 5,83
CS 6,13
D 7,08
DS 7,39
Sa sahod ay idadagdag din ang 13th month pay, separation pay at allowance sa tirahan (para sa mga naka live-in).