in

Ano ang Assisted Voluntary Return Program? Para kanino ang programang ito?

Ako po ay isang Filipino at regular sa naninirahan sa Italya, ngunit dahil sa kasalukuyang krisis, ay nawalan ako ng trabaho at ngayon ay hindi ko na maaaring mai-renew ang aking permit to stay. Ako po ay nagbabalak ng umuwi ng Pilipinas  for good. Mayroon po bang programang nakalaan ang pamahalaang Italyano sa mga tulad ko?

Rome, Oktubre 25, 2012 – Ang Ministero dell’Interno kasama ang Unione Europea, sa pamamagitan ng ilang International Migrant’s Association  tulad ng IOM (International Organization for Migration) ay may mga programa na makakatulong sa mga kusang-loob na babalik sa Pilipinas.

Ang Assisted Voluntary Return Program o ang Programma per l’Assistenza al Ritorno Volontario dall’Italia e Reintergrazione nel Paese di Origine – P.A.RT.I.R. ay isang programa na nagpapahintulot ng pagbalik sa sariliing bansa sa mga kusang-loob na hihiling nito at nagbibigay rin ng pagkakataon upang maisakatuparan ang ilang pangarap sa bansang sinilangan.

Sa pamamagitan ng Ministero dell’Interno at Unione Europea, ang OIM ay nagbibigay ng programa sa pamamagitan ng:

–          Individual counseling and orientation

–          Pagsasaayos ng pag-uwi sa sariling bansa sa pamamagitan ng airline ticket reservation at logistics

–          Assistance sa pagkuha ng travel documents sa embahada ng bansang pinagmulan

–          Pagbabayad ng anumang gastusin ng board and lodging isang araw bago ang pagbalik sa sariling bansa kung galing sa labas ng lungsod ng Roma

–          Pagbibigay ng allowance ng 400 euros para sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat ng miyembro ng pamilya

–          Assistance at counseling para sa katuparan ng reintegration plan o pamumuhunan sa maliit na negosyo (sumasailalim sa evaluation ayon sa pangangailangan at kapasidad ng aplikante, sa pakikipagtulungan ng tanggapan OIM  sa Pilipinas)

Sinu-sino ang maaaring tumanggap ng programa?

Ang programa ay para sa 440 imigrante na nabibilang sa sumusunod na kategorya:

–          Refugees na tinanggihan ang kanyang status

–          Mga tumanggi sa Asylum

–          15 – 30 days na rejected ang asylum request

–          Non-EU nationals na tinaggihan ang humanitarian permit to stay

–          Biktima ng pananamantala o exploitation

–          Mga non-EU nationals na rejected ang renewal o conversion ng mga permit to stay matapos ang 15 araw na inilalaan ng batas

–          Ang mga non-EU nationals na rejected ang renewal ng temporary permit to stay (hal cure mediche)

–          Mga non-EU nationals na namumuhay sa matinding paghihirap sa Italya (disabile, single mothers, matatanda, may karamdamang pisikal at mental at mga walang matirahan).

Ang mga EU nationals at mga migranteng nakatanggap ng order of expulsion ay hindi kabilang sa nasabing programa.

Ano ang sinasabing reintegration plan na bahagi ng programa?

Bahagi ng reintegration program ang pagbibigay ng halagang 1.100 euros upang maisakatuparan ang isang maliit na negosyo sa sariling bansa. Sa pamamagitan ng mga interviews, ay susuriin ang bawat sitwasyon ng migrante at ang kanyang proyekto at sa pamamagitan ng tanggapan ng OIM sa Pilipinas ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng kagamitan o mahalagang serbisyo na kakailanganin upang maging kapaki-pakinabang ang pagbabalik sa sariling bansa. Ang mga tanggapang ito ay may obligasyong gabayan ang pagbabalik ng aplikante, tulungan sa pagdating, gabayan sa pagpapatakbo ng negosyo at magkaroon ng trabaho.

Ano ang dapat gawin ng aplikante?

Sa pamamagitan ng mga asosasyon na mayroong direct contact sa mga imigrante ay maaaring lumapit sa OIM para sa mga nagnanais na tumanggap ng assited voluntary returns sa pamamagitan ng pagpi-fill-up ng scheda di segnalazione.

Kapag napatunayan ang kusang-loob na pagbalik sa bansa, ang OIM sa tulong ng IOM Philippines ay susuriin ang mga oportunidad at mga hadlang sa proseso ng reintegration program kabilang ang pagkakaroon ng kamag-anak o kaibigan o ng mga pasilidad na kakailanganin.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang cybercrime law, binatikos sa Roma

Top Earning Dead Celebrities