Ang Republic Act No. 9225 o ang Citizenship Retention at Re-acquisition Act of 2003 ay ginawang batas noong August 29, 2003 na nagbibigay pagkakataon sa mga natural-born Filipinos na nawalan ng Filipino citizenship sa pamamagitan ng naturalization sa isang foreign country, ng oportunidad na manatili o maging Filipino citizen muli.
Sino ang mga natural-born citizens ng Pilipinas?
Ang mga natural-born citizens ng Pilipinas ay ang mga mamamayang Pilipino mula sa kapanganakan na walang anumang ginawang aksyon upang maging citizen.
Sila ay ang mga:
– Mayroong magulang, ama at ina na mamamayang Pilipino sa kanilang kapanganakan
– Ang mga ipinanganak bago ang January 17, 1973, ng mga inang Pilipina, na pinili ang Philippine citizenship sa pagsapit ng ika-labinwalong taong gulang
Maari bang ang isang Filipino ay magkaroon ng dual citizenship?
Bago pa man maging ganap na batas ang R.A. 9225, ay mayroon ng dual citizenship ang ilang Filipino bilang risulta ng ilang operasyon ng nationality laws. Halimbawa, ang mga ipinanganak sa US ng mga Filipinong magulang ay American citizens ayon sa US law at Filipino citizen sa ilalim ng Philippine law. Ang American citizenship ay buhat sa prinsipyo ng jus soli o ng place of birth, samantala ang Philippine citizenship naman ay buhat sa prinsipyo ng jus sanguinis o ng citizenship ng mga magulang.
Ang batas R.A. 9225 ay ginawang posible sa mga Filipino ang pagkakaroon ng dual citizenship bukod sa pamamagitan ng kapanganakan.
Samakatwid, ang mga Filipinos na naging naturalized citizen sa ibang bansa ay hindi mawawala ang citizenship ayon sa batas.
Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay muli ng Filipino citizenship?
Sa pamamagitan ng Embahada o Konsulado, ay maaaring mag-aplay at magsumite ng mga sumusunod na requirements, apat na kopya bawat isa, kasama ang mga oroginal copies.
1. Certificate of Italian citizenship o Decree of Italian citizenship o Italian Passport
2. Philippine Birth Certificate
3. Marriage Certificate (kung ang naturalization ay sa pamamagitan ng marriage)
4. Philippine Passport
5. 2 pictures (2 X 2 with royal blue background)
7. Application fee: 50,00 euros
Sa kaso ng inclusion of dual citizenship sa mga menor de edad, ilang karagdagang dokumentasyon ang mga sumusunod:
1. Original Birth certificate Certificato di Nascita o (maaari ring hingin ang Atto di Nascita Integrale)
2. Current foreign passport of minor
3. Application fee of 25,00 euros
May approval period bas a re-acquisition ng Filipino citizenship?
Ang mga aplikante na mayroong sapat at kumpletong requirements, ay bibigyan ng Order of Approval buhat sa Consul General/Commissioner of Immigration sa loob ng ilang araw matapos ang rekomendasyon ng evaluating officer. Sa mga aplikasyon na kulang sa mga requirements ay mayroong 30 araw upang isumite ang mga ito.
Samantala, ipinapayo ng Embahada ng Pilipinas na i-renew ang Philippine passport matapos ang re-acquisition ng Filipino citizenship.
Helpful Tips:
Ang mga Birth certificates ay maaaring i-request online sa pamamagitan ng NSO website, www.ecensus.com.ph.