Ang CONTRACT TO SELL ng biniling residential house and lot or condominium unit, kung nahuli o hindi nakapag bayad ng hulog o monthly amortization ay hindi pwedeng kanselahin at i-forfeit ang naibayad kung walang Notarial Notice of Cancellation na ipinadala sa buyer at binigyang palugit o grace period under Republic Act no. 6552 o Maceda Law para mabayaran ang hindi nabayarang installment ng walang interest.
Ang ating mga kaibigan, kamag-anak o kakilala na nakabili ng house and lot o condominium unit sa mga developers ng installment under a Contract to Sell arrangement. Dahil sa hirap ng buhay o mga pangyayaring hindi kagustuhan ng mga buyer, ay hindi nababayaran ang monthly amortization sa biniling house and lot o condominium unit sa mga developers. Dahil dito ay marami ang nagtatanong kung kanselado na ba ang kanilang Contract to Sell at kung may makukuha ba silang refund dito. Hindi kaagad nakakansela ang Contract to Sell hanggat hindi napapadalhan ng Notarial Notice of Cancellation ang buyer under Republic Act No. 6552 otherwise known as the Maceda Law.
Nasa Section 3 ng Republic Act No. 6552 otherwise known as the Maceda Law, ang sinumang tao na nakabili ng house and lot o condominium unit ng hulugan or by installment sa developer, kung saan nakapagbayad na siya o naghulog na ng at least two years of installments, ang buyer na hindi nakapaghulog o hindi nakapagbayad ng kanyang installment ay may karapatan:
(a) Magbayad ng walang karagdagang interest, ang unpaid installments due within the total grace period earned by him which is hereby fixed at the rate of one month grace period for every one year of installment payments made: Provided, na ang right na ito ay pwedeng gamitin lang ng isang beses every five years of the life of the contract and its extensions, if any.
(b) Kung kanselado na ang contract, ang buyer ay may karapatan na marefund ang cash surrender value of the payments on the property equivalent to 50% ng kabuuan ng lahat ng nabayad, at kung, after five years ng paghuhulog ay may additional na 5% every year but not to exceed 90%.
Ang pagkansela ng kontrata ng bilihan ay mangyayari lamang after 30 days pagkatanggap ng buyer ng notarial notice of cancellation at ang pagbayad ng cash surrender value ng seller/developer.
Ano ba ang NOTARIAL NOTICE OF CANCELLATION?
Ito ay isang notaryadong sulat sa buyer na pinadala sa last known address niya at natanggap at ito ay naglalaman ng demand na bayaran ang unpaid installments sa grace period na binigay sa kanya at may warning kung saan ang hindi pagbabayad nito ay nangangahulugan ng pagkansela ng Contract to Sell na pinirmahan ng buyer. (ni Atty. Marlon Valderama www.e-lawyersonline.com)