in

Ano ang CUD at paano ginagawa ang tax return para sa mga empleyado

Ang bawat empleyado ay tumatanggap ng net salary ng kontribusyon sa social security na direktang ibinabayad sa Inps ng mga employer.

altAng mga kontribusyon na ito ay hindi sumasakop sa bahaging dapat bayaran ng bawat empleyado para sa buwis at imposte, uri ng buwis na dapat bayaran ng bawat mamamayan para sa mga public services na tinatanggap buhat sa pamahalaan tulad ng paaralan, ospital at munisipyo. 

Sa ilalim ng batas sa Italya, sa katunayan, ang sinumang tumatanggap ng kita o sweldo sa Italya, bilang mga empleyado o self employed, ay obligado bawat taon na gumawa ng tax return, at sa pamamagitan nito ay inihahayag sa pamahalaan kung magkano ang naging kita sa taong nakasaad dito. Alinsunod sa inihayag na sinuweldo ay oblidagong magbayad ng kaukulang buwis pagkatapos, batay pa rin sa mga porsyento na itinakda ng batas. Malinaw na mas mataas na kita ay mas mataas din ang halaga na kailangang bayarang buwis sa pamahalaan.

Para sa mga empleyado, ang buwis ay binabayaran muna kada buwan ng mga employer sa pamamagitan ng mekanismo ng ritenute sa mga pay envelopes o busta paga. Mahalaga para sa kadahilang ito, na sa simula ng bawat trabaho, ang empleyado ay dapat na ihayag kung entitled o hindi sa mga diskwento na ibinibigay ng batas sa pagbabayad ng mga buwis. Kaya nararapat na ihayag, halimbawa, kung ang asawa o ang mga anak ay carried o mga dependents at kung nagkaroon ng iba pang kita.

Ang CUD

Ang mga empleyado, na mayroong provvisory o permanent contract, bawat taon, sa buwan ng Marso ay dapat na tumanggap mula sa employer ng tinatawag na CUD Certificazione Unica dei redditi di lavoro dipendente” isang uri ng dokumento na nagpapatunay ng halagang tinanggap ng empleyado bilang sahod gayun din ang kontribusyon na ibinayad ng employer sa pamahalaan.  

Ang CUD ay karaniwang ibinibigay ng mga employer tuwing katapusan ng Pebrero, ng sumunod na taon kung kailan ibinigay ang sahod at dapat ay sertipikado. Kung natapos na ang kontrata, dahil sa pagre-resign o pagpapaalis, ang employer ay may obligasyon na ibigay ito sa empleyado sa loob ng 12 araw.

Sa CUD sa katunayan, ay nakaulat ang lahat ng salaries na tinanggap sa buong taon, ang ritenute na ginawa ng employer at ng anumang diskwentong ginawa batay sa personal na sitwasyon ng empleyado. Bukod dito, sa CUD , ay matatagpuan din ang mga kontribusyon sa social security na binayaran at babayaran sa empleyado.

Mahalagang ipaalam kung ang empleyado ay walang ibang kinita, bukod sa natanggap buhat sa employer, at hindi obligadong maghayag ng tax return. Paalala: Ito ay para sa mga mayroong isang employer lamang, sa kasong may higit sa isang employer ay obligadong maghayag ng tax return.

Kung ang empleyado ay hindi obligado, dahil sa nabanggit na dahilan, ang paghahayag ng tax return ay maaari pa ring gawin upang makakuha ng karagdagang diskuwento sa buwis na babayaran, halimbawa ang pagkakaroon ng gastusin sa mga medical checkups, renovations at interes sa mga mortgage sa loob ng isang taon.

Sa mga kasong ito, maaari kang makipag-ugnay sa isang CAF (Fiscal Assistance center) o isang job consultant na handang tumulong sa paghahanda ng deklarasyon, ng form 730 o Modelo Unico. Mangyaring tandaan na ang deadline sa pagsusumite ay dipende sa uri ng modelong pinili, ngunit para sa taon ng 2012, ay mula Abril hanggang Hulyo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bangkay, natagpuan di kalayuan sa bahay ni Nanay Doring

Maaari bang mamili ng gagamiting apelyido ang babaeng ikinasal?