in

Ano ang dapat gawin kung nawalan ng trabaho

Ang pagkawala ng pwesto sa trabaho, sa anumang kadahilan ay hindi kailanman dahilan para pawalang bisa ang permesso di soggiorno ng isang dayuhang regular na naninirahan sa Italya.
Katunayan, kinikilala ng batas ang posibleng paninirahan ng isang dayuhan sa national territory hanggang sa siya’y makakita ng bagong trabaho.
Ang dayuhang may balidong permesso di soggiorno (o may ricevuta postale bilang patunay na nagrenew ng permesso di soggiorno), kung siya’y mawawalan ng trabaho sa dahilang siya’y kusang umalis, pinaalis sapagkat tapos na ang kontrata maaring: 

– maghanap ng bagong trabaho (self-employed o subordinate);

– magpalista sa collocamento sa Centro Per L’Impiego, alalahaning dapat valida ng permesso di soggiorno na hindi bababa sa anim na buwan.

Paano ang magpalista
Ang dayuhan ay dapat pumunta sa Centro Per L’Impiego, sa loob ng 68 araw mula sa huling araw ng trabaho, magpalista sa listahan ng mga naghahanap ng trabaho, ipaalam ang dating trabahong isinagawa at ang kahandaan sa bagong trabaho.
N.B.
Mahalagang dalhin ang orihinal na permesso di soggiorno (valid) o ang ricevuta postale na patunay na nagrenew ng permesso at ang original na permesso si soggiorno sapagkat ito’y kailangang makita ng staff ng Centro per l’Impiego.
 
Matapos magpalista, ang pangalan ng worker ay masusulat sa data base ng Centro Per L’Impiego sa loob ng panahong valida ng permesso di soggiorno. Sa pagpapalista, bibigyan ng pagkakataon ang sinumang dayuhan na makasama sa listahan kahit nag-expire na ang permesso subalit kailangang magpunta agad sa Centro Per L’Impiego sa loob ng isang buwan mula sa araw ng expiration. Pansamantalang makakasama sa listahan at sa oras na mag-renew kailangang bumalik sa CPI upang ipakita ang ricevuta postale. Kung hindi ito maipapakita, tatanggalin ang iyong pangalan sa listahan.  

Ang permit to stay sa panahong naghihintay ng bagong trabaho

Kung malapit ng mag-expire ang permesso di soggiorno at wala ka pang nakikitang trabaho, kailangang mag-aplay ng renewal sa Questura sa pamamagitan ng kit postale, sa loob ng kit ay dapat ilakip ang kopya ng certificato di iscrizione nelle liste di collocamento, na inisyu ng Centro per l’impiego, lahat ng pages ng passport at codice fiscale. Bibigyan ka ng Questura ng permesso di soggiorno per attesa occupazione at balido lamang ng anim na buwan at matapos ito, hindi na pwedeng irenew ulit sa pangalawang pagkakataon kung wala pang trabahong nakikita. 

Ano ang mangyayari sa expiration date ng permesso

Kung sa loob ng anim na buwan, ang dayuhan ay nakakita ng bagong trabaho, dapat kumpilahan agad at pirmahan ang contratto di soggiorno (Modello Q) at ipadala sa Sportello Unico per l’Immigrazione na matatagpuan sa inyong lugar sa pamamagitan ng raccomandata A/R, pagkatapos, dapat magrequest ng renewal ng permesso di soggiorno sa Questura na malapit sa inyong tirahan, sa pamamagitan ng kit postale. Ang motibo ng renewal ay lavoro subordinato. 
Kung sa halip naman, sa oras ng expiration date ng inyong permesso di soggiorno per attessa occupazione (6 months) ang dayuhan ay hindi pa nakakakita ng bagong employer upang siya’y i-hire, hindi na siya maaari pang manirahan sa Italya ng hihigit sa authorized period at dapat na siyang bumalik sa sariling bansa. Ang Questura ay hindi nagbibigay ng temporary permit to stay.

Ang permesso di soggiorno per motivi familiare
Ang dayuhang may permesso di soggiorno per motivi familiari ay may karapatang magtrabaho at kung siya’y nawalan ng trabaho, pwede siyang magpalista sa CPI. Kung ang permesso ay mag-e-expire na, pwede mo itong irenew na ang motibo ay familiari sa pamamagitan ng kit postale. Para mapatunayan na may karapatan siya sa renewal, kailangang ipakita ang ibang dokumento, ang dokumentong nagpapatunay na may income at dichiarazione di presa a carico ng kapamilya na nagcarico sa iyo.  

Dayuhang may carta di soggiono
Kung nawalan ng trabaho ang isang dayuhang may carta di soggiorno, hindi ito magiging dahilan upang i-revoke ang permesso di soggiorno Ce per soggiornanti di lungo periodo (ex carta di soggiorno), pwedeng ma-revoke ito kung:
 – ipagagamit sa iba;
 – mapapauwi sa sariling bansa sa kadahilanang siya’y magiging panganib sa kaligtasan ng publiko at seguridad ng lipunan;
 – hindi na naninirahan sa mga bansang kaanib ng European Union sa loob ng 12 buwan;
 – binigyan ng Permesso di soggiorno CE sa ibang bansang kaanib ng EU;
 – hindi na naninirahan sa bansang Italya ng higit sa 6 na taon.

Karapatang laan sa worker
Ang dayuhang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng compensation kung nawalan ng trabaho tulad ng karapatan ng isang mamamayang Italyano. Ito’y tatanggapin kung siya’y tuloy-tuloy na ipinagbayad ng contributi. Karapatan niyang tumanggap ng sweldong hindi pa niya nakukuha, vacation indemnity, liquidation, thirteen month pay. Ang mga karapatang ito ay maaari din ma-avail ng isang manggagawang walang permesso di soggiorno. (www.stranieriinitalia.it)

ni Liza Bueno Magsino

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Deklarasyon sa paninirahan sapat na!

CARL VINCENT ORTEGA ALOYA, BINANSAGANG “IL PICCOLO DRAGO” NG UMBRIA