Ano ang ibig sabihin ng ‘family entreprise’ o impresa familiare?
Ako ay isang sole trader (ditta individuale). Gusto kong isama sa aking trabaho ang ilan sa aking pamilya at gusto ko sanang malaman kung paano gagawin ito at kung ano ang kanilang mga karapatan.
Ang family enterprise
Magmula noong 1975, ay inilabas ang ‘family enterprise’ (o impresa familiare) sa bansa. Ang uri ng kumpanyang ito ay awtomatikong ginagamit kapag iisang tao ang nagpapatakbo ng negosyo o kompanya sa anyo ng ‘sole trader’ at maaring kunin bilang empleyado o trabahador ang miyembro ng pamilya na maaaring mag-sagawa ng mga operasyon sa loob ng kumpanya. Ang trabaho sa loob ng kumpanya ay maaaring maging iba-iba, gayunpaman, ngunit dapat na lagi itong sumasaklaw lamang sa mga aktibidad ng negosyo, at ang mga naturang empleyado ay maaari lamang ang kagyat na pamilya ng sole trader.
Karaniwang mga halimbawa nito ay ang pamamahala ng mga tindahan o restaurant o mga sakahan at iba pa. May tatlong mga sangkap ang family enterpise: Ang paglikha o pagkakaroon ng isang enterprise at ang katunayan na ang contractor o empleyado ay kanyang pamilya at ang katunayan na ang mga miyembro ng pamilya ay mayroong tunay, epektibo at palagiang trabaho sa loob kumpanya at hindi paminsan-minsan lamang. Ang bawat empleyado ng kumpanya ay may karapatan sa isang share na proporsyon sa uri trabaho o gawain na iginawad dito. Ang pagkakaroon ng mga ito, ang family enterprise ay palaging tinuturing bilang isang one man company o sole trader.
Pagtatatag ng isang family enterprise
Para maitatag ang isang negosyong pangpamilya ay nararapat na magtungo sa isang notaryo at gumawa ng draft ng isang dokumento (sertipikong publiko o pribado). Ang mga ito ay maaaring isang indibidwal na kumpanya na inumpisahan nà o uumpisahan pa lamang.
Sa mga sertipiko ay isinasaad ang uri at ng klase ng kumpanya, kung sino ang nagmamay-ari, ang mga empleyado nito at ang antas ng relasyon sa nagmamay-ari at ang porsyento o share ng mga empleyado.
Matapos ang mga gawaing ito ng notaryo, ay dapat na i-report sa mga tanggapan Internal revenue ng basa loob ng 30 araw ang pagkakatatag ng bagong family enterprise.
Ang mga empleyado
Hindi lahat ng mga miyembro ng pamilya na empleyado ng bagong tatag na kumpanya ay maaaring ituring ang kumpanya bilang kumpanya ng kanyang pamilya. Ang batas ay nagsasaad na ang pinakamalapit na lamang na mga kapamilya ng negosyante ang maaaring ituring bilang mga kasama sa konsepto ng family enterprise. Sa katunayan, itinuturing na kasama sa trabaho ang mga miyembro ng pamilya tulad ng asawa, mga kamag-anak hanggang ikatlong antas (mga anak o inapo, kapatid, tiyo at pamangkin, grandparents at grandparents), at mga kapamilya sa ikalawang antas (sister o brother in law, biyenan athipag o bayaw).
Enterprenuer
Ang enterprenuer ay ang manager ng kumpanya at ang tanging responsable para sa mga sertipiko o dokumentasyon sa pamamahala ng kumpanya at para sa mga desisyong kinakailangan, tulad ng pagbili o pagbebenta ng mga materyales sa negosyo.
Mga benepisyo o bentahe ng mga empleyado
Ang mga miyembro ng pamilya na katulong sa negosyo ay maraming mga bentahe.Sa pagpapatakbo ng kumpanya sa katunayan ay may karapatan sa pagbibigay ng indikasyon ng produksyon, sila ay maaaring magpahiwatig kung paano gagamitin sa anumang paraan ang kinita ng kumpanya, at may karapatan sa mga desisyon sa mga dokumentasyon ng pagpapatakbo gayun din sa mga desisyon ukol sa paghinto o pagsasara ng kumpanya. Ang mga desisyong kritikal ng kumpanya ay hinaharap ng lahat ng empleyado ng hindi alinsunod sa laki o sa liit ng share ng mga ito, samakatwid lahat ay may karapatan sa isang boto.
Isa pang mahalagang bentahe ng mga empleyado ay, sa kabila ng pagiging bahagi ng mga kapamilya sa operasyon ng kumpanya, ay hindi mananagot ang mga ito sa mga obligasyon na may kinalaman sa ikatlong partido (tulad ng mga kontrata para sa suplay ng mga materyales).
Kung ang isang miyembro ng pamilya ay may utang, ang creditors nito ay hindi maaaring kamkamin o ilitin ang mga ari-arian ng kumpanya kahit pa kunin ang share nito sa kumpanya.Ang mga Creditors ay maaaring kumilos lamang sa kita ng may utang. At ang mga miyembro ng pamilya ay hindi kasali sa pagbagsak o pagsasara ng negosyo pamilya ng pamilya.
Mga limitasyon ng family enterprise
Ang kapamilya na naglilingkod sa loob ng kumpanya, ay maaaring ibenta ang kanyang share sa ibang miyembro lamang ng pamilya na ipinahiwatig ng batas. Liban sa mga ito, ang share ay hindi maaaring ibenta. Tulad ng nabanggit, ang bawat empleyado ng kumpanya ay may karapatan sa isang share na proporsyon sa trabahong ginagawad sa kumpanya. Ang share ng bawat empleyado, gayunpaman, ay hindi maaaring humigit sa 49% ng kabuuang share, dahil ang enterprenuer na siyang pangulo ng ang kumpanya ay dapat magkaroon ng 51% ng share. Bilang resulta, ang kabuuang kita ng kumpanya na maaaring hatiin sa lahat ng mga kawani o empleyado ay maximum ng 49% na proporsyon sa kanilang shareholding.
Pagkawalang bisa ng share holding
Ang share ay nawawalang bisa lamang dahil sa pagpanaw ng empleyado o pagwawakas ng relasyon ng pamilya (halimbawa diborsiyo). Ang share ay nawawalan din ng bisa sa pagkakataong ang isang kapamilya ay magpasiyang umalis dahil sa mabuting dahilan, o tinanggal ng iba pang mga empleyado at ng enterprenuer. Ang mga empleyado na aalis sa kumpanya ay karapatang kunin ang share nito ng cash.
Ang pagpanaw ng enterpreneur
Sa pagpanaw ng enterpreneur ay maaaring mangyari ang dalawang mga bagay:
Maaaring mangyari na ang enterpreneur ay isulat sa huling testamento ang kanyang kahalili para sa mga pamumuno ng kumpanya. O maaaring mangyari na ang entrepreneur ay hindi mag-iwan ng kanyang kahalili. Sa ganitong kaso, ang mga tagapagmana ay may ilang posibilidad. Maaaring piliin na hindi na magpatuloy at isara ang kumpanya, o ipagkatiwala ito sa iba, o maaaring magpasiya na magpatuloy ang kumpanya at humirang ng isang bagong pangulo nito. Dapat tandaan na sa pagpanaw ng enterpreneur, ang mga kapamilyang manggagawa ay may karapatan na ipagpatuloy ang kumpanya ayon sa share ng mga ito
Ang conjugal enterprise
Ang conjugal enterprise ay isang espesyal na kumpanya kung saan ang parehong mag-asawa ang namamahala ng negosyo.
Ang ganitong uri ng kumpanya ay nabubuo matapos ng kasal ng mag-asawa.
Walang mga partikular na uri ng ganitong kumpanya, gayunpaman, mahalaga na ang mag-asawa may conjugal property . Sa katunayan, ang sistema sa Italya, ang mga mag-asawa sa araw ng kasal ay maaaring pumili kung mayroon o walang conjugal property.
Ang creditors ng conjugal enterprise ay maaaring mag-claim ng mga asset ng kumpanya maging personal na ari-arian ng mag-asawa.