Disyembre 2, 2011 – Inilathala noong nakaraang Nobyembre 11 sa Official Gazzette ang D.P.R. n.179 noong 14 Set 2011, o ang mga regulasyon ukol sa integration agreement sa pagitan ng dayuhan at ng estado. Ang nasabing regulasyon ay ipatutupad sa Marso 10, 2012.
Ano ito?
Ang integration agreement ay naglalaman ng obligasyon ng mga non-EU nationals na sumailalim sa isang kasunduan kung saan nangangako na pag-aaralan ang wikang Italyano, ang Kultura at Sibika ng Italya.
Ang paunang salita sa Kasunduan ay naghahayag ng espiritu ng “Integrasyon, bilang isang proseso upang isulong ang pamumuhay ng magkakasama, ang mga mamamayang Italyano at ang mga dayuhang legal na naninirahan sa bansang Italya, alinsunod sa Saligang-Batas ng Italya, batay sa pangako ng magkabilang parte na maging bahagi ng ekonomiya, welfare at kultura. Partikular, para sa mga dayuhan ang mapabilang bilang mamamayan ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Italyano at nangangailangan ng respeto, pagiging bahagi sa pagsulong ng demokratikong halaga ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakaisa bilang isang batayan ng Republika ng Italya“.
Ang kaalaman sa wikang Italyano at ang antas ng integrasyon ng mga dayuhan sa Italya ay malalaman sa pamamagitan ng point system.
Sa pag-aaplay ng permit to stay ng mga dayuhan, ay pipirmahan ang Kasunduan, at igagawad ang 16 points (credits).
Ang Integration Agreement
Ang teksto ng batas ay nagsasaad na ang mga non-EU nationals na hihiling ng first issuance ng permit to stay na may validity na mas mababa sa isang taon, sa unang pagpasok sa bansa, kung may edad na higit sa 16 na taong gulang, ay pipirmahan ang integration agreement sa pamamagitan ng Sportello Unico per l’immigrazione sa Prefecture o sa Questura, kasabay ng pagsusumite ng aplikasyon ng permit to stay.
Ang Kasunduan ay binubuo ng isang espesyal na form na dapat i-fill up at pirmahan ng dayuhan.
Ang form, kapag pinirmahan ng isang menor de edad sa pagitan ng 16 at 18 taong gulang ay pipirmahan din ng mga magulang na regular na nanatili sa bansa.
Ang mga commitments ng dayuhan at ng estado matapos pirmahan ang kasunduan ay nangangakong:
a) magkaroon ng sapat na antas sa kaalaman ng wikang Italyano (katumbas ng A2 ng European level para sa kaalaman ng mga wika mula sa Konseho ng Europa);
b) magkaroon ng sapat na kaalaman ng mga pangunahing prinsipyo ng Saligang-Batas ng Republika at ng mga organisasyon at functions ng mga publikong institusyon sa Italya;
c) magkaroon ng sapat na kaalaman sa Sibika sa Italya, partikular sa kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, trabaho at obligasyon sa buwis;
d) matiyak ang compulsory school attendance ng mga anak
Ang dayuhan ay nangangako ring magpapasailalim sa Carta dei Valori della Cittadinanza e dell’Integrazione (ayon sa Ministry of Interior noong Abril 23, 2007) at igagalang ang mga prinsipyo na napapaloob dito.
Kahit na pinangungunahan ng mga obligasyon ang sinumang pipirma nito, ang Estado gayunpaman ay: dapat ipagkaloob ng pantay pantay ang pangunahing mga karapatan at pantany-pantay na pagtingin anuman ang kasarian, lahi, wika, relihiyon, pampulitikang opinyon, personal at panlipunang kondisyon, na pipigilan ang anumang paghahayag ng rasismo at diskriminasyon. Ang Estado ay dapat ding suportahan ang proseso ng integrasyon ng mga dayuhan at siguraduhin ang sapat na pormasyon sa Sibika at sapat na impormasyon sa pamumuhay sa Italya.
Sino ang hindi dapat pumirma sa kasunduan
Ang batas ay nagbibigay ng mga kasong hindi kasama sa kasunduan
a) walang kasamang menor de edad na ipinagkatiwala o sakop ng proteksyon, na kung saan ang kasunduan ay pinalitan upang makumpleto ang proyekto ng social at civic integration;
b) ang mga biktima ng human trafficking, karahasan o malubhang pagsasamantala, kung saan ang kasunduan ay pinalitan upang makumpleto ang programa ng pagtulong at intergrasyon (tingnan ang Artikulo 18 ng TU on immigration).
Kung ang dayuhan ay may malubhang sakit o kapansanan na limitado ang posibilidad na mamuhay mag-isa o may malubhang kahirapan sa pag-aaral ng wika at kultura, at mayroong mga sertipiko mula sa publikong pasilidad sa kalusugan o sa isang manggagamot na itinalaga ng SSN, ay hindi papipirmahin sa kasunduan at ipagkakaloob ang permit to stay at hindi ito ikukunsidera kung sakaling nakapirma man.
Kung sakaling ang permit to stay ay tinanggihan at binawi, ang kasunduan ay agad na walang bisa.