in

Ano ang mga minimum na pamantayang itinakda ng Kumbensiyon Blg. 189 para sa mga kasambahay?

altBatayang karapatan ng mga kasambahay

–  Pagpapalaganap at pangangalaga sa mga karapatang pantao ng lahat ng kasambahay (Pambungad:Artikulo 3)

–  Paggalang at proteksiyon ng mga batayang prinsipyo at karapatan habang nagtatrabaho: a) karapatang sumapi at ang mahusay na pagkilala sa kolektibong pakikipagsundo: b) pagtanggal sa lahat ng anyo ng sapilitang pagtatrabaho: c) pagtanggal ng lahat ng lakas-paggawa ng mga bata: d) pagtanggal ng deskriminasyon hinggil sa pag-eempleo at trabaho (Mga artikulo 3,4,11).

–  Epektibong proteksiyon laban sa lahat ng anyo ng pang-aabuso, pangigipit at karahasan (Aritkulo 5)

–  Patas na tadhana ng pag-eempleo at diesnteng kalagayan sa pamumuhay (Artikulo 6).

Impormasyon sa mga tadhana at kondisyon ng pag-eempleo

–  Dapat ipabatid sa mga kasambahay  ang mga tadhana at kundisyon ng kanilang pagkaka-empleo sa pinakamadali’t mauunawaang paraan, na may pagkiling sa pasulat na kasunduan (Aritkulo 7)

Oras ng trabaho

–   Mga hakbang na nakatuon sa pagtitiyak ng patas na pagturing sa panig ng kasambahay at ng mga mangaggawa hinggil sa normal na oras ng trabaho, sahod sa over time, mga panahon ng arawan at lingguhang pamamahinga, at ang taunang pagliban na may bayad.

–   Lingguhang pamamahinga nang hindi kukulangin sa 24 magkakasunod na oras ng trabaho (Artikulo 10)

–   Regulasyon ng nakaabang na oras (mga panahon na hindi maaaring lustayin ng mga kasambahay kung kailan nila gusto), at kinakailangan upang mapanatili sa kapasiyahan ng bahayan ang paghingi ng mga posibleng tulong  (Artikulo 10).

Sahod

–   Minimum na sahod kung umiiral ang minimum na sahod para sa ibang manggagawa (Artikulo 11)

–   Bayad sa sahod ay dapat nasa anyong cash, diretso sa mangagagwa, at may regular na puwang na hindi lalampas sa isang buwan.

–   Mapapahintulutan ang bayad sa katumbas nitong material na bagay sa ilalaim ng tatlong kundisyon: tangi lamang ito sa limitadong bahagi ng kabuuang sahod: ang katumbas na halagang salapi ay patas at makatwiran: ang mga bagay o serbisyong ibinigay ay gaya ng kabayarang material para sa personal na gamit at benepisyo sa mga manggagawa. Nangangahuluganito na ang mga uniporme at kagamitang pamproteksiyon ay hindi ituturing na kabayarang katumbas sa material na anyo, bagkus bilang kagamitan na dapat ibigay ng employer sa mga manggagawa nang walang bayad para matupad nito ang mga gampanin (Artikulo 12)

–  Ang mga bayarin na sisingilin ng pribadong ahensiya ng pag-eempleo at hindi dapat awasin mula sa pasahod (Artikulo 15)

Kaligtasan at kalusugan sa trabaho

–  Karapatan sa ligtas at malusog na kaligiran sa pagtatrabaho (Artikulo 13)

–   Nakahanda ang mga hakbang para matiyak ang kalusugan sa trabaho ng mga mangagagwa (Artikulo 13)

Panlipunang seguridad

–   Panlipunang seguridad na proteksiyon, kabilang na ang mga benepisyo sa pagbubuntis at panganganak (Atikulo 14)

–   Mga kundisyon na hindi dapat mababa sa mainam kumpara sa mga maiaangkop sa pangkalahatan ng manggagawa (Artikulo 14)

Mga pamantayan hinggil sa mga batang kasambahay

–   Pangangailangang itakda ang minimum na edad para tanggapin sa trabahong kasambuhay (Artikulo 4)

–   Mga kasambahay na edad 15 ngunit hindi lalampas sa edad na 18 – ang kanilang trabaho ay hindi dapat magkait sa kanila ng sapilitang edukasyon o manghimasok sa kanilang oportunidad para sa abanseng edukasyon o bokasyunal na pagsasanay(Artikulo 4).

Mga pamantayan hinggil sa mga trabahor na walang uwian

–   Disenteng kundisyon sa pamumuhay na gumagalang sa pag-iisa ng mga manggagawa (Artikulo 6)

–   Kalayaang makamit ang kasunduan sa kanilang mga employer o posibleng maging employer kung gusto o ayaw manirahan sa bahayan nito (Artikulo 9)

–   Walang obligasyong manatili sa bahayan o sa mga kasapi nito sa panahon ng pamamahinga o pagliban (Artikulo 9)

–    Karapatang itago ang kanilang taglay na dokumento hinggil sa identica at pagbibiyahe (Artikulo 9)

–   Regulasyon sa mga oras ng paghihintay o stand by (Artikulo 10)

Mga pamantayan hinggil sa mga migranteng kasambahay

–   Isang pasulat na kasunduan na maipatutupad sa bansa na doon nagtatrabaho o isang pasulat na alok na trabaho, bago pa magbiyahe sa bansa na doon magtatrabaho (Artiluo 8)

–   Malinaw na kundisyon na sa bisa nito ang mga kasambahay ay may karapatang maibalik sa bansa o pook na pinagmulan sa pagwawakas ng manilag pag-eempleo (Artikulo 8)

–    Proteksiyon ng mga kasambahay mula sa mga abusadong kagawian ng mga probadong ahensiyang nag-eempleo (Arikulo 15)

–    Kooperasyon ng mga bansang nagpapadala at tumatanggap (ng mga trabahador) upang matita ang epektibong aplikasyon ng mga probisyon ng Kumbensiyon sa mga migranteng kasambahay (Artikulo 8)

Mga pribadong ahensiyang nag-eempleo

Mga hakbang na dapat itakda (Artikulo 15)

–    Pamahalaan ang operasyon ng mga probadong ahensiyang nag-eempleo

–    Tiyakin an gang sapat na makinarya para maimbestigahan ang mga hinaing ng mga kasambahay

–    Maglaan ng sapat na proteksiyon sa mga kasambahay at pag-iwas sa mga pang-aabuso, sa tulong ng ibang Kasapi kung kinakailangan.

–     Isaalang-alang ang pagpapatibay ng mga kasunduang pandalawahan (bilateral), panrehiyon at pangkaramihang (multilateral) panig upang maiwasan ang pang-aabuso at pandarayang kalakaran.

Pagsasaayos ng mga pagtatalo, hinaing, pagpapatupad

–    Epektibong paraan ng pagdulog sa hukuman, tribunal o iba pang mekanismo ng pagsasaayos ng pagtatalo, kabilang ang mga bukas na dulugan ng mga hinaing (Artikulo 17)

–    Mga hakbang na dapat isagawa upang matiyak ang pagtupad sa mga pambansang batas para sa proteksiyon ng mga kasambahay, kabilang ang mga batas sa pagsisiyasat ng paggawa. Sa ganitong pagkakataon, kinikilala ng Kumbensyon ang pangangailangan na timbangin ang karapatan ng mga kasambahay at ang proteksiyon at karapatan sa pag-iisa ng mga kasapi ng bahayan (Artikulo 17)

(Ang buong teksto ng Kumbensiyon Blg. 189 ay matutunghayan sa www.ilo.org)

Opisyal na isinalin sa wikang Filipino ng Department of Labor and Employment at ILO

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Jessica Sanchez, pinabilib ulit ang mga judge sa AI

Bossi, nagbitiw sa pwesto