Sa Italya, ang mga regular na manggagawa, tulad ng mga empleyado, independiyenteng, mga propesyonal at negosyante, ay maaaring maghulog ng kontribusyon sa social security. Ito ay katulad ng pensiyon ng mga Italians.
Sa kaso ng mga subordinate jobs, ang mga employer, ayon sa batas, ang dapat maghulog ng kaukulang kontribusyon. Para sa kaso naman ng mga self employed, ang mga propesyonal ang magbabayad ng kontribusyon sa social security.
Kapag natapos ang mga taon ng pagtatrabaho, ang pagbibigay ng pensiyon ay manggagaling mula sa INPS. Kahit na ang mga banyagang manggagawa sa kanilang pagbabalik sa sariling bansa, ay mapapanatili ang kanilang karapatan sa pensiyon na naipon sa Italya.
Ang mga banyagang manggagawa na naging regular matapos ang Enero 1, 1996, ay maaaring tumanggap, sa kanilang pagbabalik sa sariling bansa, ng pensiyon sa pagreretiro (kinakalkula sa sistema ng kontribusyon) sa edad na 65 taong gulang, bagaman hindi nakumpleto ang mga kinakailangang taon na paghuhulog ng kontribusyon (halimbawa ay mas mababa sa 5 taon ng kontribusyon).
Ang mga banyagang manggagawa na naging regular matapos ang 1996, ay maaaring tumanggap, sa kanilang pagbabalik sa sariling bansa, ng pensiyon sa pagreretiro (kinakalkula sa sistema ng kontribusyon o magkasamang kalkulasyon) kung umabot sa dalawanpung taon ang kontribusyon at umabot sa edad na 65 taong gulang (parehong limitasyon ng edad para sa lalaki o babae).
Kung sakaling nagnanais bumalik sa sariling bansa, ay maaaring mangailangan ng pagkilalà sa mga kontribusyon na binayaran sa Italya. Ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng isang internasyonal na kasunduan sa pagitan ng Italya at ng bansang pinanggalingan.