in

Ano ang REPORT OF BIRTH o ROB ?

altAng kapanganakan ng isang mamamayang Filipino sa ibang bansa ay kailangang ipatala agad sa Philippine Embassy o Consulate, sa pamamagitan ng aplikasyon ng ROB – Report of Birth. Ang pagpapatala ng ROB matapos ang isang taon mula sa kapanganakan ng sanggol ay nangangailangan ng Affidavit of Delayed Registration.

Ang ROB ay ipinapadala sa Department of Foreign Affairs tuwing katapusan ng buwan para sa transmittal ng mga ito sa National Statistics Office. Ang transmittal ng mga ROB ay nakasaad sa kopya ng ROB na ibinibigay sa mga magulang bilang reference.

Dapat tandaan na ang mga impormasyon sa araw ng kapanganakan lamang ang maitatala sa birth certificate at ang mga karagdagang  impormasyon sa araw ng registration nito ay hindi maaaring maidagdag, tulad ng nasasaad sa Manual of Instructions of R.A. 9048. Samakatwid, kung ang sanggol ay ipinanganak bago ang pag-iisang dibdib ng mga magulang, sa panahon ng registration ng kapanganakan, ang bata ay hindi mairerehistro bilang legitimate child. Hal: kung ipinanganak ang sanggol ng Feb 15, 1995 at ang mga magulang ay ikinasal noong Mar 15, 1995, ang mga magulang ay nararapat na magsumite ng kaukulang mga dokumentasyon.

PARA SA MGA BATA NA KASAL ANG MAGULANG

Mga kinakailangan:

•             ROB application na pirmado ng mga magulang

•             Birth Certificate o Estratto di Nascita, kinakailangan ang International Version na ibinibigay ng   Comune / Anagrafe kung saan nasasaad ang pangalan ng sanggol, lugar at petsa ng kapanganakan at mga pangalan ng mga magulang (orihinal at 4 na kopya)

•             Passporte ng mga magulang (orihinal at 4 na kopya)

•             Kung kasal ang mga magulang sa Pilipinas, Authenticated Marriage Contract; kung kasal naman sa Italya, Marriage Contract o Report of Marriage mula sa Embassy o Konsulado  (orihinal at 4 na kopya)

•             Personal appearance ng mga magulang

PARA SA MGA SINGLE PARENTS NGUNIT KINIKILALA NG AMA

Mga kinakailangan

•             ROB application pirmado ng mga magulang

•             Birth Certificate o Estratto di Nascita, kinakailangan ang International Version na ibinibigay ng   Comune / Anagrafe kung saan nasasaad ang pangalan ng sanggol, lugar at petsa ng kapanganakan at mga pangalan ng mga magulang (orihinal at 4 na kopya)

•             Passporte ng mga magulang (orihinal at 4 kopya)

•             Affidavit sa paggamit sa apelyido ng ama  (orihinal at 3 kopya)

•             Personal appearance ng mga magulang

PARA SA MGA SINGLE MOTHER

Mga kinakailangan:

•             ROB application pirmado ng Ina

•             Birth Certificate o Estratto di Nascita, kinakailangan ang International Version na ibinibigay ng   Comune / Anagrafe kung saan nasasaad ang pangalan ng sanggol, lugar at petsa ng kapanganakan at mga pangalan ng mga magulang (orihinal at 4 na kopya)

•             Passporte ng ina (orihinal at 4 na kopya)

PARA SA MGA HINDI KASAL NA MAGULANG

Mga kinakailangan:

•             ROB application pirmado ng ina

•             Birth Certificate o Estratto di Nascita, kinakailangan ang International Version na ibinibigay ng   Comune / Anagrafe kung saan nasasaad ang pangalan ng sanggol, lugar at petsa ng kapanganakan at mga pangalan ng mga magulang (orihinal at 4 na kopya)

•             Passporte ng mga magulang (orihinal at 4 na kopy)

•             Affidavit sa paggamit ng apelyido ng ama (orihinal at 3 kopya) – Annex H,  kung ang bata ay gagamitin ang apelyido ng ama.

•             Affidavit of Illegitimacy, (orihinal at 3 kopya )

PAALALA: Ang kapanganakan ng isang mamamayang Filipino sa ibang bansa ay kailangang ipatala agad sa Philippine Embassy o Consulate, sa pamamagitan ng aplikasyon ng ROB – Report of Birth. Ang pagpapatala ng ROB matapos ang isang taon mula sa kapanganakan ng sanggol ay nangangailangan ng Affidavit of Delayed Registration na nagkakahalaga ng €25.00.

SUSOG SA REPORT OF BIRTH

Ang Report of Birth ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago. Maaaring dahil ang kasal ng mga magulang ay naganap matapos mairehistro ang kapanganakan, samakatwid ay magiging lehitimo ang bata. Maaari rin namang dahil sa pagkilala ng ama at magiging lehitimo ang bata.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karagdagang anim na buwan para sa mga temporary workers

Mga insulto sa FB sa bagong mamamayang Italyano